20

938 23 15
                                    

Chapter 20


"Akin na nga 'yung flour, Geib."


Tumayo naman si Geib sa pagkakaupo sa may high stool para iabot sa akin 'yung harina. Bumalik ulit siya sa may counter top para manood ng basketball. Napailing ako dahil kanina pa siya nakatutok sa kanyang laptop. Favorite team daw kasi niya 'yung naglalaro.


"Geib, pakuha nga noong tray," utos ko ulit. Sinunod naman niya pero nakatingin pa rin sa laptop niya.


Noong nakaraang araw pa nag-umpisa 'yung semestral breaks namin noong nakaraang araw at ngayon lang kami nagkasama ng ganito katagal dahil nagtatrabaho nga siya sa company nila. Ginawa na niyang regular 'yon dahil nag-iipon siya para sa sasakyan niya at siya na rin kasi 'yung nagbabayad ng bills niya rito sa may condo. Nagulat nga ako, e. Parang sa isang iglap, naging independent man itong si Geib.


Sumampa ako sa may likod niya at hinilamos ang aking palad na may harina. Umubo ubo siya kaagad. Nasinghot niya yata 'yung iba sa kanyang ilong.


Mabilis niyang kinuha 'yung isang bowl ng harina at binuhos sa akin! Umawang ang labi ko, hindi makapaniwala. Habang siya ay tumatawa ng malakas!


Tumalon ako at pinulupot ang aking mga binti sa kanyang bewang. Niyakap niya naman kaagad ako habang hinihila ko ang buhok niya sa sobrang inis! Kaliligo ko pa lang! Ilang oras akong nag-ayos para sa pagkikita namin tapos bubuhusan niya lang ako ng harina! Isang bowl pa talaga, ha!? Wala na tuloy kaming pang-bake. Kailangan na naman naming bumili!


Gamit ang isa niyang kamay, inalis niya ang dalawa kong kamay sa kanyang buhok. Hinawakan niya ako sa may batok at medyo binaba ang aking ulo hanggang sa magtagpo ang aming mga labi. Hinalikan niya ako at kaagad ko namang tinugon 'yon.


"I love you," bulong niya pagkatapos. Hinampas ko ang dibdib niya bago bumaba. Pinagpagan ko 'yung blouse ko na namumuti dahil sa harina. Naramdaman kong niyakap ako ni Geib mula sa likuran. "I love you," ulit niya.


"I love you," tugon ko.


Napatili ako noong bigla niya akong binuhat at pinaupo sa may counter top. Kaagad akong napakapit sa may balikat niya sa sobrang bigla. Tumawa naman siya, nakahawak pa rin sa may bewang ko.


"Birthday mo na bukas. Do you have any plan?" Napakurap ako dahil hindi ko naalala. Ni hindi ko alam na kaarawan ko na pala bukas. See? Si Geib ay isang human calendar ko. Even the smallest thing, naaalala niya. Isa rin siyang human reminder ko. Best boyfriend indeed.


Umiling ako. "Ngayon ko lang naalala. Baka may plano sila Lola. Sila lang naman mahilig mag-celebrate ng birthday ko." Let's be practical here. Kung ako 'yon, mas okay na sa akin 'yung dinner lang sa labas. Hindi rin naman kasi ako mahilig mag-party.


"I have this charity-"


"Game!" sabi ko kaagad kahit hindi ko pa siya tapos sa kanyang sinasabi. Pinisil niya ang aking ilong bago ako binaba. Dumiretso ako sa may kwarto ko para kumuha ng damit. Nandito na kasi 'yung ibang gamit ko sa may condo.

Beneath the SkyWhere stories live. Discover now