22

737 17 19
                                    

Chapter 22


"Hindi pa ba tapos? Nagugutom na ako."


Parang batang sumilip si Geib sa may dulo ng kusina. Natawa ako at umiling sa kanya. Ilang linggo na ang nakakalipas simula noong nag-away kami at okay naman na kami. Medyo nilalayuan ko na rin si Zaon para maiwasan na 'yung selos.


Hanggang ngayon, hindi ko masabi kay Geib 'yung patungkol kay Blythe dahil ayokong layuan niya ito sa akin, katulad ng ginagawa ko ngayon kay Zaon.


Na-guguilty ako sa pag-iwas ko kay Zaon dahil wala naman siyang alam tungkol sa kahit na ano at ayokong maranasan 'yon ni Blythe. Ayokong makasira ng friendship, katulad noong ginawa ni Geib.


"Malapit na akong matapos," sabi ko at tumalikod na.


Hangga't maaari, gusto kong ibalik 'yung dati naming relasyon. 'Yung walang ganito... 'Yung walang nagseselos... 'Yung puro lang saya at ka-sweet-an. Pero totoo yata talaga 'yung sinabi nila na hindi lang puro saya.


Sana pagsubok lang ito. Pagsubok na pareho naming malagpasan ni Geib. Pagsubok na pareho naming matatapos. Sana matapos na ito at bumalik na 'yung dating relasyon namin na nakasanayan ko. Hindi kasi ako makapali. Natatakot na ako. Sobra akong natatakot.


Kinabukasan, hinatid ako ni Kuya Isagani sa school. Nakita ko kaagad si Geib sa may gate, hinihintay ako habang kausap si Blythe. Umawang kaagad ang labi ko at umiwas ng tingin. Araw-araw na lang ba akong ganito? Kailan ko ba masasabi kay Geib na nagseselos ako kay Blythe? Ang tanong, kaya ko ba? Hindi naman naging mabait at friendly si Blythe sa akin pero paano siya lalayuan ni Geib in a friendly way for me? Mayroon bang ganoon?


"Good morning," bati ni Geib sa akin at hinalikan pa ako. Kaagad sumama ang tingin ni Blythe sa akin bago nag-cross arms at umiwas ng tingin.


Naglakad kami papasok ng campus na kasama si Blythe. Nag-uusap sila ni Geib tungkol sa isang plate habang nasa gilid ako at nakikinig lang. Napatingin ako sa kanila noong bigla silang tumawa ng malakas.


"Mauuna na ako," sabi ko at mabilis na naglakad. Hindi kaagad ako dumiretso sa may class ko dahil masyado pang maaga para pumasok.


Umupo ako sa may bench at sinandal ang likod sa may lamesa habang nakatingala sa may kalangitan. Blangko lang ang isipan ko.


Ayokong mag-isip masyado. Ayokong mag-overthink dahil doon pa naman ako magaling. Ayokong mag-conclusion kaagad dahil lang sa mga nakita ko. Ayokong mapunta sa ganoong landas dahil hindi naman ako ganoong klase ng tao. Simula noong naging boyfriend ko si Geib, ang laki ng pinagbago ko. Mas lalo akong naging matured pero sobrang selosa.


Mabuti na lang at naging abala ako sa mga sumunod na oras dahil sa baking class. Halos maghapon kami sa may laboratory kaya hindi ko nakasama si Geib noong mag-lunch break.


Pagod akong bumagsak sa may lapag, nakasuot pa ng apron at hairnet. Umangat ang tingin ko kay Zaon noong abutan niya ako ng bottled water.

Beneath the SkyWhere stories live. Discover now