05

1.7K 37 243
                                    

Chapter 05


"Thank you, class. Class dismissed."


Tumayo kami at nagpaalam kay Ma'am. Pagkalabas nito, dinumog kaagad ako ng mga kaklase ko para ibigay sa kanila 'yung mga index card. Katatapos lang mag-present noong huling presenter sa English.


Mabilis kong nilagay sa likod ng notebook ko 'yung index card namin ni Geib dahil gusto niyang sabay naming titignan 'yung grade namin. Wala kasi siya, sinamahan si Ivo sa cafeteria.


Inabot ko sa mga kaklase ko 'yung index card nila hanggang sa naubos. Bumalik ako sa upuan ko at hinintay si Geib. Gusto ko ng mandaya para makita ko 'yung grade ko kaso nangako akong sabay naming titignan 'yon.


"Tara na!" Mabilis na pumasok ng classroom si Geib at pabagsak na naupo sa tabi ko. Kinuha ko 'yung index card na mayroong pangalan namin sa itaas.


Geib Sebastian O. Esteban & Autumn Ebony C. Oracion. 97%


Nagkatinginan kami ni Geib. Tinaas niya ang dalawa niyang kamay sa ere kaya dinampi ko roon ang dalawa kong palad.


Tumayo si Geib at nilapitan lahat ng kaklase namin para silipin ang mga index card nila. Tumayo rin ako para tanungin si Gill sa grade nila. 90% at hindi na 'yon masama. Actually, akala ko sila 'yung magkakaroon ng mataas na grade dahil sobrang detailed ng report nila. Ganoon din sila Ivo at Raven. Pero sino'ng mag-aakala na makaka-97 kami ni Geib? Para sa akin, slides pa lang namin na parang hindi sineryoso, wala na.


"Tayo pinakamataas," sabi ni Geib noong makabalik ako sa upuan ko. Tumango ako at napangiti. Kami pa talaga? Buti na lang at hindi kasama sa rubrics 'yung designs ng powerpoint dahil paniguradong malaki ang deduction namin. Nag-umpisa ulit ang klase at walang tigil si Geib sa kakasabi na ililibre raw niya ako.


"Hindi na nga kailangan, 'di ba?" Palabas na kami ng classroom at pinipilit niyang ililibre niya ako ng lunch.


Mayroon din akong baon na dala at sa Student Council office ako kakain dahil mayroon kaming meeting para sa Buwan ng Wika celebration bukas. Kailangan na namin i-finalize ang plano para maipasa na ang copy kay Dean. Inaasikaso na rin nila Gill 'yung auditorium dahil doon gaganapin 'yung welcome ceremony.


Sumimangot si Geib na parang bata bago tumigil sa paglalakad. Sinulyapan ko siya habang tuloy tuloy akong naglalakad. Hindi ko naman talaga kailangan ng libre, 'tsaka hindi lang ako 'yung nag-effort sa presentation namin. Siya rin naman. Bakit hindi niya makita ang effort niya?


"Kahit mango shake lang?" Napangiti ako noong marinig ko na naman ang boses niya. At talagang sumunod pa siya sa akin, ah? Akala ko naiwan na siya sa may corridor.


"Sige, pero ililibre rin kita. Ano?" hamon ko. Like what I said, hindi lang ako 'yung nasa likod ng flawless presentation namin noong nakaraang linggo. Ka-partner ko siya at naghirap din siya. Siya rin 'yung gumawa noong kalahati ng powerpoint. Ayokong kuhanin lahat ng credits kasi malaki rin ang naiambag niya. Nakakuha kami 97% dahil sa aming dalawa, hindi lang sa akin. Ang galing kaya niyang presenter. Hindi ba niya 'yon alam?

Beneath the SkyWhere stories live. Discover now