03

1.9K 44 321
                                    

Chapter 03


"Malas yata kapag hindi tayo magkasama sa partido."


Nasa isang empty classroom kami ni Gill kasama 'yung iba naming kagrupo sa partido. Gumagawa kami ng mga kailangan namin para sa campaign sa Monday.


"Siguro? Naisip ko rin 'yan dahil nanalo naman ako kahit first time ko noon," sagot ko habang gumugupit ng papel na kaka-print lang namin. Nakalagay doon ang buo kong pangalan, 'yung posisyon ko at 'yung number ko sa balota. This time, hindi ako nahirapan sa paggawa ng chant dahil may gumawa na no'n para sa 'min. Nag-practice na rin kami kanina kung paano namin ipapakilala ang sarili bukas.


"Mananalo rin kaya ako kahit first time ko?" Napabaling kaming dalawa kay Kenley na nakaupo rin sa sahig at gumugupit ng papel tulad namin. Kasama rin pala namin siya!


"Oo naman! Galingan mo lang sa pag-giling, paniguradong sa 'yo lahat ng boto," pagbibiro ni Gill.


Nag-practice ulit kami bago umuwi. Sobrang dilim na at mukhang kami na lang din ang nasa school pa. Maaga ang uwian kasi exam week at huling araw pa ngayon. Habang naglalakad kami sa hallway, nagtatawanan kami pero nagkakatakutan din. Mahigpit ang hawak ko sa backpack ni Gill dahil ako 'yung nasa pinaka-dulo, naglalakad. Nagsisiksikan na din sila para hindi mahuli.


"Oh, my gosh!" Tumili nang napaka-lakas si Kenley nang may bumagsak sa malayo. Nagkatinginan kami bago tumakbo. Do'n ko lang na-realize na pwede akong maging runner dahil ako 'yung pinaka-unang tumatakbo ngayon, samantalang ako 'yung nasa pinaka-dulo kanina habang naglalakad.


"What the hell, guys?" Huminto ako sa pagtakbo nang marinig ko ang boses ni Geib sa dulo. Lumingon ako roon at nakita kong galing siya sa janitor's room. Pinapagpagan pa niya ang sleeve ng coat niya at halata ding bago siyang gising. Tae! Ang lakas ng tibok ng puso ko sa kaba.


"Tangina mo, Esteban! Tangina mo talaga!" Mura nang mura si Gill habang hawak ang dibdib niya.


"What did I do to you? Ako nga 'yung naistorbo n'yo kasi sigaw kayo nang sigaw." Inalis niya ang maliit na alikabok sa dulo ng sleeve niya bago niya binaba ang tingin sa 'kin. Napadalawang tingin siya sa 'kin bago humakbang palapit. Inangat niya ang kamay niya at may inalis sa buhok ko.


"Anong oras na, ah? Ano pang ginagawa mo rito?" Tanong ni Kenley kay Geib.


Pinakita niya sa 'kin ang kapirasong papel na inalis niya sa buhok ko bago humarap kay Kenley para sumagot. "May hinihintay ako pero nakatulog ako," sagot niya. Lumapit ulit siya sa janitor's room at kinuha ang mamahalin niyang bag na gusot-gusot na.


"Bakit sa janitor's room ka naghihintay?" Tanong ni Gill. Nag-umpisa na ulit kaming maglakad palabas ng school. Inangat ko ang tingin kay Geib nang bigla niyang kunin ang dala-dala kong paper bag na may mga cartolina at ibang gamit na ginamit namin kanina sa class. Nag-actual experiment kasi kami sa Science class at kagrupo ko ulit silang magkakaibigan.


Sa 'kin pinauwi ni Ivo ang lahat ng ginamit namin sa experiment dahil siya ang nagdala no'n lahat sa school kanina. Itapon ko raw kung ayokong iuwi sa bahay. Sayang naman kung itatapon kaya iuuwi ko na lang. Pinaghirapan kasi namin 'to. Perfect score kaya kami.

Beneath the SkyWhere stories live. Discover now