31

870 18 4
                                    

Chapter 31


"You know that hotty? Bakit ka binigyan ng susi? Bilis mo naman yata!"


Sinamaan ko ng tingin si Lailah habang papunta kami sa may office niya. Katatapos lang ng business meeting nila ni Bryson at katatapos lang din ng dinner ko with Geib. Hindi ko alam na nakita pala niya 'yon! Bilis talaga ng mata nito.


"Kaibigan ko lang 'yon." Napairap ako nang tumawa siya, ayaw maniwala.


"Magkaibigan kami ni Bryson pero hindi niya ako binigyan ng susi, A," sabi pa niya para mas lalo akong asarin. Umupo ako sa may visitors chair at hinayaan siyang asar asarin ako. Hindi naman ako pikon kaya okay lang.


Nag-stay pa ako ng ilang minuto sa loob ng office niya bago ako nagpaalam. Pabiro niyang hinalikan ang pisngi ko at dinilaan kaya bahagya ko siyang naitulak, nandidiri. Ano siya, bata?


Umuwi ako sa bahay at kaagad na inalis ang lahat ng suot bago nag-shower.


Bumuntong-hininga ako habang nakatitig sa sariling repleksyon sa salamin. Binagsak ko 'yung suklay sa vanity at tumayo na para mahiga sa kama. Nakatulog naman ako kaagad.


Kinabukasan, habang kumakain ng breakfast, abala na ako sa pagtawag sa kung sinu-sino para mag-order ng mga kailangan ko para sa surprise birthday dinner kay Apple. Nag-grocery ako bago dumiretso sa condo ni Geib. Hinintay ko silang makaalis bago umakyat, bitbit ang mga binili ko.


Dumiretso kaagad ako sa kitchen para ilagay doon 'yung mga dala ko. Naghugas ako ng kamay habang tinitignan 'yung kabuuhan ng condo ni Geib. Ito pa rin 'yung dati. 'Yung binili niya kasama ako. 'Yung in-organize naming dalawa. Medyo nagbago lang 'yung condo pero kaunti lang naman. Naglakad ako papunta sa may living room at nakitang nagbago na 'yung mga furniture roon.


Tinignan ko 'yung tatlong pintuan sa may hallway. Hmm, nandito pa rin kaya 'yung kwarto ko? Okay lang, though, kung wala na. Condo naman niya ito. Na-curious ako tuloy ako kaya naglakad ako papunta roon.


Pinihit ko 'yung doorknob at nasapo ko 'yung dibdib ko nang makita ko 'yung dati kong kwarto. Ito pa rin. Walang nagbago. Kung ako ito noong iniwan ko eight years ago, ito pa rin siya hanggang ngayon. Malinis. Halatang walang gumagamit. Hindi ba ito ginagamit ni Apple?


Binuksan ko 'yung pintong kaharap ng kwarto ko. Geib's room. Mas naging dark at manly ang kanyang kwarto. Medyo wala na ring gamit, minimalist style. Binuksan ko 'yung huling pinto at alam ko kaagad na kwarto ito ni Apple dahil sa mga nagkalat na libro at hair clip sa sahig.


Dinampot ko ang mga 'yon bago lumabas at pumasok naman sa kwarto ni Geib. Black and grey 'yung color palette. May king size bed sa gitna, office table sa may gilid at malaking TV. May hanging bookshelf din pero walang laman. Nilapitan ko 'yung TV stand at tinignan 'yung mga picture framed doon.


Napangiti ako habang tinitignan 'yung mga picture ni Geib with Apple. Kinuha ko 'yung isang picture framed na nakatalikod, nakaharap ito sa may pader. Nawala 'yung ngiti sa labi ko nang makitang picture namin 'yon ni Geib sa Palawan. Naka-back hug siya sa akin habang tumatawa kaming dalawa.

Beneath the SkyOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz