09

1.2K 31 6
                                    

Chapter 09


"Anong pag-uusapan natin? Wala na, 'di ba?"


Dumiretso ako sa pintuan pero kaagad ding natigilan nang makita kong nakasara na 'yung pinto. Mabilis kong pinihit 'yung doorknob pero hindi na mabuksan. Napasinghap ako at nag-umpisang kalampagin 'yung pinto.


Hindi sinarado ang pinto ng music room dahil mayroon itong sira. Matagal ng may sira ang doorknob at mabubuksan lamang ito kung may magbubukas sa labas. Umismid ako. Hindi ko ito sinarado kanina! Nag-iwan ako ng uwang.


Hinangin? Imposible naman 'yon. Sa bigat ng pinto, sigurado akong hindi ito basta bastang madadala ng hangin.


Bumaling ako kay Geib na inosentang nakaupo pa rin sa lapag. Imposible ring sinarado niya dahil hindi ko napansing tumayo siya at saka lumapit sa pinto. Napahilot ako sa sentido ko habang iniisip na sirain 'yung pinto pero hindi ko naman ito kaya. Ang liit ko lang na tao!


"Buksan mo nga 'yung pinto, Geib," seryoso kong utos sa kanya.


"What? We're locked?" tanong niya at tumango naman ako. Bumangon siya sa pagkakaupo at nag-umpisang lumapit sa akin. Gumilid kaagad ako para makadaan siya. Sinubukan niyang buksan 'yung pinto pero hindi na talaga ito mabuksan! Lord!


Bahagya ko siyang itinulak kaya napunta siya sa gilid. Uwang ang kanyang labi habang pinapanood akong kinakalampag ang pinto. "Tulong! May tao rito! Na-lock-an kami ng pinto! May tao ba diyan?! May tao rito!"


"Let me break down the door." Bahagya rin akong itinulak ni Geib. Inis akong tumingin sa kanya.


Sinipa niya ang pinto at napansin kong umaray kaagad siya. Paniguradong masakit 'yon pero sinipa niya pa ng ilang beses 'yung pinto hanggang sa hinawakan ko siya sa braso at umiling. Baka ma-injured pa siya at ako pa ang sisihin niya. May finals pa naman sila sa susunod na linggo.


Habang nag-iisip ako ng gagawin namin, pinipilit niyang sirain 'yung doorknob pero wala talagang nangyayari. Ilang beses na rin siyang sumisigaw ng tulong.


"Oh, itetext ko sila Gill." Tila nabuhayan ako at nagmamadaling kinuha ang phone ko sa bulsa ng blazer ko. Pero nawalan din kaagad ng emosyon ang mukha ko nang makitang walang signal.


Tinatapik ko ang paa ko sa sahig habang sinusubukang tawagan si Gill kahit walang signal. Mukha akong tangang umaasang may sasagot. Si Geib ay sinisipa na ulit 'yung pinto. Napansin yata niyang ayaw ko siyang kasama rito kaya ginagawa rin niya ang kanyang best para mabuksan 'yung pinto. Umawang ang labi ko noong bumagsak siya sa sahig noong malakas niyang sinipa 'yung pinto! Kaagad ko siyang dinaluhan doon at tinignan ang paa niya. Damn, may finals pa sila next week! Hindi pwedeng mapwersa ang paa niya!


"Tama na, please? 'Wag mong puwersahin ang paa mo. Baka ma-injured ka at ako pa ang sisihin mo. Finals n'yo sa basketball next week, 'di ba?"


Tinulongan ko siya sa pagtayo at ang kinatatakutan ko ay nangyari na nga. Iika ika siyang naglakad papunta sa gilid. Hawak ko siya sa braso at dinala roon. Sumandal siya sa pader at hinubad ang kanyang sapatos at medyas. Saglit na umawang ang labi ko nang makita kong namumula ang kanan niyang paa. Umiling-iling ako at tumingin sa paligid. Maliban sa mga instrumento, wala na akong nakitang iba na pwedeng gamitin.

Beneath the SkyWhere stories live. Discover now