40

1.2K 23 6
                                    

Chapter 40


"Oh my god. I'm getting married!"


Proud kong pinakita kila Sienna at Gwen ang suot kong singsing. Hanggang ngayon, tuwing naaalala ko 'yung proposal ni Geib, para pa rin akong nasa panaginip. Hindi pa tuluyang nag-sisink in sa utak ko ang lahat.


"Oh shit!" Napatayo si Gwen at halatang nilapit sa pagmumukha niya ang laptop para makita ng malapitan ang singsing ko. Ngumiti ako at mas nilapit sa camera 'yon. Sana lang ay mabigyan ng justice ng camera ang singsing dahil ang ganda talaga nito.


"I'm so happy for you, A..." Ngumiti si Sienna bago kinuha kay Gwen ang laptop at binalik ito sa dating puwesto. "You will finally marry the person you love. Always be happy."


Pabiro siyang sinabunutan ni Gwen. "Ano ba 'yang sinasabi mo? Mamamatay ka na ba bukas, ha? Anong 'always be happy'? Parang namamaalam ka na kay Autumn."


Sienna chuckled. "I just want her to be happy so that's what I said. Why do you tend to spice up what I have been saying lately? At anong 'namamaalam'? Do you want me to die?"


"Ewan ko sa 'yo!" Gwen rolled her eyes. "Alam mo, A? Nitong mga nakaraang araw ay natatakot ako rito kay Sienna. Lagi niyang tinatanong sa akin kung masaya ba ako or something. 'Pag hindi ako umimik, sinasabi niyang 'always be happy even without me'. See? Sinong hindi matatakot sa ganoon? Parang nagpapahimatik na, e!"


Sienna laughed while flipping her hair. "What? I didn't even know that what I was saying meant to you."


"Are you okay?" I asked. Tinignan ako ni Sienna. Ngumiti siya bago tumango sa akin. "Sigurado ka? You know we're just here, right? It's fine to open your problem to us. We always do that. 'Wag ka na mahiya."


"I'm not problematic, girls. I'm fine!" she defended herself.


"So, kailan ba ang kasal mo? Para malaman namin kung kailan mag-bobook ng ticket." Kaagad iniba ni Gwen ang usapan.


"No! Ako na ang bahala sa ticket n'yo. Magugulat na lang kayo na baka flight n'yo na pala bukas!" Humalakhak ako at sumandal sa may swivel chair, iniisip ang aking plano. Plano ko talagang mas ahead 'yung i-book ko para may time pa kami na magsama sama bago ako ikasal.


"Gaga ka talaga! Magsabi ka para makapagpaalam ako ng maayos sa boss ko," sabi ni Gwen at siniko si Sienna dahil nakikinig na lamang ito sa amin.


"I resigned," mahinang sabi ni Sienna. Bigla akong napaayos sa pag-usap sa gulat.


"Huh? Kailan pa?" Gwen asked. "Kaya ba wala ka sa sarili nitong mga nakaraang araw? Mag pa-I love my job ka pa riyan tapos nag-resign ka? Bakit? Pangit kasi ng boss mo, 'no?"


Nanlaki bigla ang dalawang mata ni Sienna. Tinakpan ko naman ang bibig ko para mapigilan ang sariling matawa. "My reason is not about that! And who said my boss is ugly? YYou just saw his back when you accidentally saw him at the mall and then you concluded that he was immediately ugly?"

Beneath the SkyOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz