10

1.3K 28 14
                                    

Chapter 10


"Camping na bukas!"


Ang ingay ni Gill habang naglalakad kami sa may hallway. Tapos na ang klase namin at half-day dahil abala ang lahat para sa camping bukas. Papunta kami ngayon sa mall dahil napagkasunduan naming sama sama kaming bibili ng mga dadalhin.


Napatingin ako kay Geib na may ngiti sa labi habang naglalakad sa tabi ko. Ilang linggo na ang nakakalipas simula noong sports competitions. Hindi man kami pinalad sa basketball, school naman namin ang nanalo sa ibang laro katulad ng volleyball, tennis at badminton. Binigyan din sila ng recognition dahil sa effort na pinakita nila sa kasagsagan ng laro.


"Tabi tayo bukas sa bus, ah." Wala pa man, nangongontrata na siya.


Tumango na lang ako dahil kinontrata na rin ni Gill si Raven. Hindi ko nga lang alam kung ano ang sagot ni Raven since ayaw sabihin ni Gill. Ayaw niya akong katabi dahil alam daw niyang tatabihan ko si Geib dahil ito na raw ang bago kong best friend. Tawa ako nang tawa noong sinabi niya 'yon sa akin. Inaasar ko siyang nagseselos at aba, hindi niya itinanggi.


Nilakad lang namin 'yung mall dahil walking distance lang ito mula sa campus. Pagkarating namin, dumiretso kaagad kami sa supermarket. Nag-share kami ni Geib sa iisang pushcart. Hindi naman kasi marami 'yung bibilihin ko. Ang dami naming stock na pagkain sa bahay.


Kumuha ako ng dalawang cup noodles dahil isa 'yon sa wala kami sa bahay. Ayaw kasi ni Lola na kumakain ako ng ganoon dahil hindi raw masustansya. Kumakain ako no'n sa cafeteria pero hindi lagi dahil alam ko rin ang limitasyon ko.


"Huwag mo akong gayahin!" sabi ko kay Geib.


Napansin ko kasi na kung ano 'yung kinukuha ko, 'yon din 'yung kinukuha niya sabay lagay sa cart. Hindi ko na matanaw sila Gill dahil iba iba ang pakay namin sa supermarket. 'Yung bibilihin ko kasi ay 'yung mga pagkain na mabilis lang lutuin. Chips at biscuits kasi 'yung sa kanila.


Inismiran lang ako ni Geib at pinagpatuloy niya 'yung panggagaya sa akin. Napatingin ako kay Geib noong makita namin sila Ivo at Raven na nakaharang sa daanan, may tinitignan sa cellphone. Pabirong binangga ni Geib ang cart namin sa kanila at pareho silang napatingin sa amin, medyo galit ang ekspresyon ng mukha. Tinawanan ko lang sila at naglakad na palayo.


"Parang mag-asawa!" sigaw ni Ivo noong mapansin niyang kaagad na sumunod sa akin si Geib, tulak tulak 'yung cart namin. Napailing lang ako.


"Ano pang kulang?" tanong ko kay Geib habang naglalakad kami.


Sinulyapan niya ang cart namin. "Wala na yata. Hindi ko alam."


Tumango ako at niyaya na siyang magbayad. Sinabi ko kaagad kay Ate na nasa counter na magkahiwalay 'yung bill. Tinignan ko si Geib na nakatingin lang sa akin, nakanguso. Huh, hindi ko siya hahayaang magbayad ng akin, 'no! May pera ako at ano ang ipagbabayad niya? Pera ng parents niya!


Inabot ko 'yung card ko sa babae bago kinuha ang plastic. Hinintay ko saglit si Geib bago kami naglakad papuntang mini-food court na nasa labas lang ng grocery. Wala pa sila Gill kaya napagdesisyunan naming kumain muna.

Beneath the SkyKde žijí příběhy. Začni objevovat