13

1.1K 30 26
                                    

Chapter 13


"Shout out sa crush kong si Autumn. My Ms. Perfect."


Napatingin ako sa may stage dahil nandoon 'yung Dedication Booth. Tinulak tulak ako ni Gill noong kumanta 'yung babae sa kanila dahil kasama raw 'yon sa binayad.


"Sino 'yon?" tanong ko sa kanila nang makalapit ako. Hindi ko naman inaasahan 'yon.


"Uy, bawal sabihin. Secret 'yon," sabi ng president ng Music Club. Tinignan ko lang siya bago nilabas ang posas ko at sinuot 'yon sa palapulsuhan niya. "Puta, ano ito? Wala naman akong valuation, ah?" alma niya habang dinadala ko siya sa room.


"Hinuhuli lahat ng walang I.D," sabi ko. "Alam ko rin na hindi mo shift sa booth n'yo."


Pangalawang araw na ng Foundation Week at ito ako, nanghuhuli ng mga pasasaway na estudyante. Masyado kaming abala sa booth namin to the point na wala na kaming oras para mag-ikot at mag-enjoy. Pero napag-usapan namin na buong araw na sarado ang jail booth sa Friday since maghahanda rin kami para sa concert.


Sumilip ako sa loob ng room at nakitang pinagtitripan nila Ivo 'yung mga nahuli. Since 'squad' na raw kami, hindi nila hahayaan na nag-iikot sila sa mga booth habang ginagawa ko 'yung trabaho ko kaya nag-volunteer sila na sila na raw ang magbabantay sa mga nahuli. Duda ako sa kanila pero napansin kong mas maraming willing na magpahuli dahil isa si Geib sa mga naroon.


Ang rule sa booth namin, 20 minutes kang mananatili tapos kung gusto mo makalabas pagkatapos no'n, magbabayad ka pero kung wala kang bayad, mananatili ka ng isang oras o higit pa, depende sa kung anong violation mo. Pero kung ayaw mong manatili ng mas mahaba sa 20 minutes pero wala ka ring pambayad, gagawin mo 'yung dare na nabunot mo.


Kaya hindi na ako nagulat nang may makita akong sumasayaw habang nagtatawanan ang karamihan.


Noong ikatlong araw, ako naman 'yung nagbantay sa booth namin habang 'yung mga representative ng bawat year ang nanghuhuli, kasama nila sila Geib, Raven at Ivo.


Kumakain ako ng lunch ko na binigay sa akin ni Gill noong biglang pumasok si Geib at sinabing may nagbayad na estudyante sa kanya para makalaya. Tinanggap ko 'yon at nilagay sa jar, samantalang sinulat niya sa notebook 'yung pangalan noong student.


Mainit sa loob ng booth pero may electric fan naman at nakatutok pa 'yon sa akin. Hinubad ko nga lang 'yung blazer ko at nakasampay 'yon sa monoblock na inuupuan ko. Si Geib ay may kaunting pawis sa noo kaya pinunasan niya 'yon ng kanyang panyo.


"Kumain ka na?" tanong ko at tinignan 'yung isang pagkain. Dalawa kasi 'yung binigay ni Gill kanina, para raw kapag nagutom ulit ako. Tinanggap ko naman kasi akala ko kaunti 'yung serving pero hindi naman. Ang dami nga, e!


"Kakain pa lang. Dito ka lang?" Tumango ako at binigay sa kanya 'yung pagkain. "Wait lang."


Lumabas siya at pagkabalik niya, nakasunod na sila Ivo, Sienna at Raven sa kanya. Umawang saglit ang labi ko bago ako napatayo. Malaki naman 'yung lamesa namin pero isa lang ang upuan dito! Lumabas ako para maghanap ng extra na upuan sa ibang booth pero walang available.

Beneath the SkyWhere stories live. Discover now