14

1.1K 29 18
                                    

Chapter 14


"Bilisan n'yo para maraming rides ang masakyan natin!"


Dahil nakatulog sa byahe, full charged si Sienna nang makarating kami sa may Enchanted Kingdom. Tinignan ko si Geib na umunat unat bago tuluyang bumaba ng sasakyan. Hindi ko siya matignan ng maayos. Naaalala ko palagi 'yung lockscreen ng phone niya.


Nag-umpisa kaming maglakad at nakakatuwa dahil kasabay namin 'yung mga batang magfi-field trip. Bakas sa mukha nila ang excitement, excited din naman ako. Sinubukan kong iwaksi sa isipan ko 'yung nakita ko para ma-enjoy ko ang araw na ito.


"Pang ilang beses mo na rito?" biglang tanong ni Geib na sinusubukan akong habulin dahil mabilis ang lakad ko. Hinihila kasi ako ni Sienna!


"Unang beses pa lang. Wala naman kasing ganito sa probinsya namin pero alam mo ba 'yung perya? Suki ako roon simula noong bata pa lang ako."


"What the hell is that?" bulong niya at sinuksok ang dalawang kamay sa suot niyang jacket. May suot pa siyang beanie na itim at sunglasses.


Bahayang lumingon sa amin si Sienna. "Alam ko 'yan. I know that! Favorite kong laro riyan ay 'yung color game. You know what, A? Never pa akong nanalo roon. Laging mali 'yung kulay na nilalagyan ko ng coin. Akala ko pa noon na mayroong daya ang game na 'yon but I realized na ganoon lang talaga ang flow no'n."


"Bobo ka kasi." Sabay halakhak ng malakas ni Ivo. Dahil doon, binitawan ako ni Sienna at naghabulan silang dalawa na parang mga bata! Napahawak ako sa may sentido ko, para akong nagdala ng mga anak sa amusement park.


Nagpicture picture muna kami sa labas bago tuluyang pumasok sa loob. Tirik ang araw kaya medyo tinatakpan ko ang mukha ko dahil sakto ang sinag nito sa akin.


"Dito ka nga," sabi ni Geib at pinagpalit ang puwesto namin. Dahil sa ginawa niya, natatakpan na ako ng kanyang anino since matangkad din siya.


Kumuha si Ivo ng mapa at pinagbibilugan lahat ng rides na gusto niyang sakyan. Nakatayo lang kami roon at hinihintay siyang matapos. Panay na nga ang reklamo ni Sienna pero walang pumapansin sa kanya. Dinungaw ni Raven 'yung ginagawa ni Ivo kaya nakidungaw na rin ako. We're like a guardian waiting for our kid to finish what he's doing.


"Are you done?" tanong ni Raven nang ibalik sa kanya ni Ivo ang ballpen. Hindi pa ito sumasagot, tumalikod na si Raven at naglakad papunta roon sa may stall para ibalik ang ballpen na hiniram pa niya.


Ivo nodded like a responsible kid. "Indorr activities muna tayo bago tayo mag-outdoor." Siya ang sinundan namin dahil siya ang may hawak ng mapa. Selfie naman nang selfie si Sienna. Nadadamay ako dahil nakalingkis siya sa may braso ko. Tuwing tinatapat niya sa aming ang kanyang camera, wala akong ibang choice kundi ngumiti.


Dumiretso kami sa may 7D Interactive Motion Theater. Hinubad ko muna ang specs ko bago sinuot ang 7D glass. Ang intense noong laban pero tawa lang kami nang tawa nila Geib. Rialto ang sunod naming pinuntahan. Binalot ako ng kaba dahil parang nandoon kami sa pinapanood namin. After that, pinaliwanag ko kay Geib 'yung nangyari sa may movie. Kinabahan naman daw siya pero wala raw talaga siyang maintindihan.

Beneath the SkyWhere stories live. Discover now