01

2.6K 49 344
                                    

Chapter 01


"Pamangkin ng Dean si Geib."


Nakinig ako habang nagsasalita si Gill. Mabuti na lang at wala 'yung teacher namin sa Filipino kaya kumakain ako ng lunch ngayon sa may campus amphitheater. Kaunti lang ang tao ngayon dahil nag-uumpisa na ang klase sa ibang section. Aalis din naman kami agad dito pagkatapos ko kumain.


"Kaklase ko 'yang si Geib since elementary. Palaasar siya pero never siyang nanakit. Ngayon pa lang."


Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Hanggang ngayon ay sumasakit pa rin ang ulo ko. Napalakas talaga yata ang pagbato ng lalaking 'yon ng bola sa 'kin. Halatang sinadya.


Humawak ako sa ulo ko at pinakiramdaman kung mayroon akong bukol doon. Wala naman kaya nakahinga ako nang maluwag. Gusto ko siyang isumbong sa Dean namin. Gustong-gusto ko.


Lumipas ang ilang araw at hindi naman nasundan ang nangyari sa court. Feel ko nga ay hinihintay niyang may gawin ako para makaganti siya. Pero siyempre, kahit ayokong makita siya, nagkikita pa rin kami dahil nasa iisang school lang kami. At saka walang may gustong umiwas sa 'ming dalawa. Kung magkasalubong kami, so what? Actually, ilang beses niyang sinubukang banggain ang balikat ko. Hindi lang siya nagtatagumpay.


Naging hati ang atensyon ko sa pag-aaral at sa Student Council na every month yata ay mayroon kaming inaasikasong school event. Gusto ko na sanang sumuko pero nag-e-enjoy ako sa ginagawa namin... sa responsibilidad ko bilang sekretarya. Inaabot na rin ako ng gabi sa school kasama ang ibang officers. Naiintindihan naman nina Lola ang dahilan ko pero minsan, naiinis na sila kasi halatang napapabayaan ko na raw 'yung sarili ko.


Na-maintain ko naman ang maganda kong grades kahit may responsibilidad ako sa SSG. Kahit na ganoon, hindi ko naman pinabayaan ang pag-aaral. Nag-top 1 nga 'ko pagkatapos ng 1st quarter. Nag-celebrate ako kasama si Gill.


Ang laki ng pasasalamat ko kay Gill, actually. Unti-unti ko ng na-a-adopt ang surroundings dahil sa kanya. Siya na palagi ang kasama ko tuwing lunch breaks, tuwing pupunta sa office at library. Araw-araw, kaming dalawa ang magkasama. Inaasar na nga kaming magkambal-tuko, e. Tapos nagkikita pa kami tuwing Sabado at Linggo tuwing may group activities na gagawin.


"Group 1: Ivo, Raven, Autumn, Gill, Anna, and Isabel."


Last group activity namin 'to sa Science bago mag-2nd quarter exam. Nagkatinginan kami ni Gill dahil kagrupo ulit namin sina Raven at Ivo. Pagkalabas ni Ma'am, lumapit agad sina Anna kina Raven.


"Saan natin gagawin 'yung 3D model?" Tanong ni Anna kay Raven.


Hindi 'to ang unang beses na naging ka-miyembro ko si Raven sa iisang grupo. In fact, parating nangyayari 'yon. Pero tuwing nasa iisang group kami, walang usap-usap, siya na agad ang leader. Matalino rin kasi siya, tapos masipag pa. Kung hindi lang mas mataas ang grade ko sa History last quarter, baka siya ang top 1 sa class namin.


"Let's do it tomorrow. In my house," sabi ni Raven.


Beneath the Skyजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें