35

918 22 6
                                    

Chapter 35


"I will bring Apple with me in Japan so that you two will have a better quality time together."


Parehong tumaas ang dalawa kong kilay habang pinupunasan ang gilid ng labi ko at tumingin kila Tito Sebastianus at Tita Gein. Actually, it is not necessary because even what Geib and I do, it is quality time. But in the end, Geib and I still accepted his mommy's offer. Bago umalis, niyakap ako ni Tita at marahang hinaplos ang likod ko bago ako tulutang sumakay sa sasakyan.


"Mag-ingat kayo. Geib, drive safely." Binaba ko 'yung bintana sa side ko at kumaway sa kanila habang papalayo ang sasakyan sa bahay nila. Sinandal ko 'yung likod ko sa backrest ng upuan at tinignan si Geib na nag-dadrive. Nagkatinginan kami kaya napangiti siya.


"Are you okay with that?" tanong niya sa akin.


I nodded. "Bakasyon naman ni Apple. I'm perfectly fine with it as long as she's happy." Bata pa si Apple. Gusto kong ma-enjoy niya 'yung mga bagay bagay, lalo na't tatakbo siyang Vice President sa darating na school year. Mahirap na responsibilidad 'yon at habang wala pa, gusto kong ma-enjoy siya dahil 'pag manalo siya at mahalal, doon na mag-popokus ang buo niyang atensyon.


I know because I've been there.


"Good night." Hinalikan ko sila sa mga pisngi nila bago lumabas ng sasakyan.


'Tsaka lang ako pumasok sa bahay nang makaalis ang Audi ni Geib sa harapan ko. Binuksan ko 'yung pinto at dumiretso sa kwarto ko para maligo at magbihis ng pajama. Nagbasa ako saglit ng emails sa laptop nang maka-receive ako ng message mula kay Geib na nakauwi na sila.


Sinara ko 'yung laptop at tuluyang humiga sa kama habang nagtytype ng irereply sa kanya.


To: Esteban

Wala ako riyan para tulungan si Apple sa pag-iimpake sa dadalhin niya bukas :(


From: Esteban

Haha that's fine. I'm here. You should be asleep now. You still have work tomorrow.


To: Esteban

Okay. Good night. Matulog na rin kayo pagkatapos.


Hindi ko alam kung excited si Tita Gein na maiwan kaming mag-isa ni Geib o ano dahil bukas na kaagad ang flight nila ni Apple pa-Japan. Dalawang linggo yata sila roon tapos pupunta pa sila ng Thailand para sa isang meeting bago tuluyang umuwi rito sa Pilipinas.


Kinabukasan, nagising ako sa alarm na ako mismo ang nag-set. Masyado pang maaga kaya nag-jog muna ako sa labas bago naligo at nagbihis. Naka-black sleeveless blouse ako na naka-tuck in sa black pants at black heels. Kinuha ko 'yung white blazer ko bago bumaba at sumakay sa Sedan ko. Dumaan muna ako sa Starbucks para bumili ng breakfast ko bago dumiretso sa office.


Simula noong dumating ako sa office hanggang sa bago mag-lunch break, nasa meeting lang ako. Hindi na nga ako nakasama sa paghatid kila Apple sa airport dahil kahit anong gawin ko, hindi ko ito maisingit sa schedule ko. Sa cafeteria ng company ako nag-lunch at pagkatapos no'n, lumabas ako ng building kasama si Anya para um-attend ng dalawang magkaibang meeting.

Beneath the SkyWhere stories live. Discover now