30

963 21 0
                                    

Chapter 30


"Good morning."


Namula yata ang mukha ko nang marinig ko ang boses ni Geib na binati ako. Kagigising ko lang at galing siyang labas para bumili ng bottled water sa may convenience store sa may tapat lang ng hotel.


"Oh, good morning," bati ko at bumangon na para ayusin 'yung kama namin. Mariin akong napapikit habang inaayos 'yung mga unan. Naalala ko 'yung nangyari! Inaantok man ako pero alam ko 'yung nangyari! "Sa may kwarto ko lang ako," paalam ko at lumipat na sa kabilang kwarto para mag-asikaso.


Nag-shower ako at nagbihis. Nag-suot na rin ako ng trench coat dahil paniguradong malamig sa labas. Naka-white sneakers ako ngayon at hindi heels dahil puro lakad ang gagawin namin ngayon.


"Ma!" Lumapit kaagad si Apple sa akin at humawak sa kamay ko habang ni-lolock ko 'yung pinto ng kwarto ko. Nginitian ko siya dahil parang mini-me ko siya. May hawak pa siyang sunglasses para sa init mamaya.


"Saan tayo kakain ng breakfast?" tanong ko kay Geib habang naglalakad kami papunta sa elevator. May breakfast naman na ino-offer 'yung hotel pero baka lang may balak siya.


"Do you have any reservation?" tanong niya pabalik at pinindot ang button sa may gilid para magbukas 'yung elevator. Napailing ako kaya sa may hotel na lang kami kumain ng breakfast.


Pagkatapos naming kumain, dumating na 'yung taxi na binook namin at nagpahatid na kami sa may Disneyland. Abala si Apple sa kakatingin sa labas habang si Geib ay nasa may unahan, katabi ng driver.


Sinubukan kong itanong si Apple kung ano ang ni-lolooking forward niya sa Disneyland pero hindi raw niya alam! Hindi pala siya nag-research tungkol doon.


Pagkatapos ng ilang oras na byahe, nakarating na rin kami sa Disneyland. Ako 'yung nag-asikaso ng ticket namin dahil ako 'yung nag-book nito sa online. Pagkapasok namin, tinuro kaagad ni Apple 'yung souvenir shop! Wala naman kaming ibang choice kundi dalhin siya roon.


"You want something?" tanong ni Geib sa kanya pagkatapos niyang mag-ikot ikot sa shop.


"Gusto ko mag-headband, Pa," sabi naman ni Apple at hinila kami papunta sa may headband section. Ang daming headband at parang gusto ko rin kaya pumili na rin ako at sinuot, tinignan kung bagay sa akin.


"Bata ka?" tanong ni Geib nang makitang sinusukat ko 'yung headband. Inirapan ko lang siya at nagsuot ng panibago. Bagay sa akin lahat pero naghihinayang ako kung bibilhin ko lahat ng design! Hindi naman ako pwedeng mag-headband kapag papasok sa office, baka pagtawanan nila ako.


"Bagay sa 'yo ito," sabi ko kay Geib at tinuro 'yung headband na Mickey Mouse na black and white 'yung kulay. Hawak ko ngayon 'yung red and white version. "Magsusuot kami ni Apple. Magsuot ka rin, ah?"


"Hala! Oo nga po, Pa! Pare-pareho tayo ng design!" Binalik ni Apple 'yung hawak niyang headband at kumuha ng katulad noong sa akin.


"Ayoko," matigas na sabi ni Geib at naka-cross arms na tumalikod pero hinawakan ko siya sa may braso niya.

Beneath the SkyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang