38

858 16 2
                                    

Chapter 38


"I-I am pregnant."


Hindi kaagad ako umalis sa hospital dahil chineck-up pa ako ni Tita Josefa para malaman kung kailan pa ako buntis at kung okay ba 'yung baby sa tiyan ko. Pagkatapos no'n, umuwi ako sa bahay, nanginginig pa rin at umiiyak sa sobrang tuwa.


Umupo ako sa may dulo ng kama ko at hinaplos 'yung tummy ko.


Never kong naisip na mabubuntis ako. I mean, dapat expected ko na 'yon dahil halos araw-araw kaming gumagawa ng milagro ni Geib pero hindi pa rin ako makapaniwala. Buntis ako. May baby sa tiyan ko.


Gusto kong tawagan si Geib at sabihin sa kanya 'yung nalaman ko ngayon pero i-susurprise ko na lang siya bukas. Sa kanya ako didiretso bukas pagkatapos kong pumunta kay Tita Josefa.


Sinilip ko 'yung phone ko nang mag-vibrate ito. Tumulo ulit ang luha ko at bahagyang tumawa nang mabasa ko 'yung message ni Geib.


From: Esteban

Where are you? It's late. Marami ka bang kinuhang damit? Sunduin na kita?


To: Esteban

No. Hindi na muna ako matutulog. Good night.


Pinatay ko kaagad ang phone ako at pumasok sa bathroom para maligo. This time, mas maingat na ako sa sarili ko. Bawat galaw ko, tinitignan ko. Pagkatapos kong maligo at magbihis, bumaba ako para kumain. Kinuha ko 'yung salad bowl sa ref at umupo sa may high stool at kumain.


Nag-toothbrush ako at nag-skin care pagkatapos kumain. Umakyat ako sa kwarto ko. Hindi pa ako inaantok at balak ko sanang manood ng movie pero kailangan kong matulog na ng maaga. Nilapag ko sa gilid 'yung remote at natulog na.


Kinabukasan, medyo late na ako nagising kaya medyo binilisan ko 'yung pagligo at pagbihis ko. I'm just wearing a black blazer under it is a white tank top, black trouser and a pair of stilettos. Sinuklayan ko 'yung buhok ko bago tumayo at kinuha ang aking bag sa may couch.


"Where are you?" tanong ni Geib pagkasagot ko sa tawag niya.


"Papunta pa lang sa office. Why? Ikaw?" Pumasok ako sa Sedan at binuhay ito bago binuksan ang gate ng garahe.


"I'm also on my way to the office pero dadaan muna ako sa office n'yo for your breakfast."


Nang marinig ko 'yung salitang 'breakfast', sinapok ko 'yung sarili ko. Dapat sa mga panahon na ito, hindi na ako nagpapalipas ng gutom dahil may baby na sa tiyan ko. Hindi na lang ako ang nagugutom 'pag ginawa ko 'yon. 'Pag hindi ko inalagaan ang sarili ko, parang hindi ko na rin inaalagaan 'yung baby namin. Mabuti na lang at nandiyan si Geib para gawin 'yung madalas kong nakakalimutan.


Pagkarating ko sa lobby ng company, wala pa roon si Geib kaya hinintay ko muna siya bago umakyat sa office ko. Nang magbulungan ang mga empleyado, alam ko kaagad na nariyan na si Geib. Simula noong madalas na siyang nakikita rito at dinadalhan ako ng pagkain, na-lilink na siya sa akin na boyfriend ko or asawa ko na. Walang nagtatanong sa akin sa takot na mapagalitan ko. Ayoko rin naman silang i-correct.

Beneath the SkyNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ