26

866 24 20
                                    

Chapter 26


"Magandang hapon, Ma'am Autumn."


Nginitian ko si Kuya Isagani at sumakay na sa sasakyan habang nilalagay niya sa likod ang aking mga maleta. Hinubad ko 'yung suot kong trench coat dahil pinagpawisan kaagad ako kahit ilang minuto pa lang ako sa labas. Kung may hindi pinagbago ang Pilipinas, 'yon siguro 'yung temperatura nito.


Pagkatapos kong mag-stay sa Las Vegas ng halos tatlong taon, nakapag-decide na ako na bumalik ng Pilipinas. Na-overdue na nga 'yung bakasyon ko at habang tumatagal, dumadami 'yung trabaho ko kaya umuwi na ako ngayon.


"Kumusta naman po kayo, Kuya?" tanong ko habang kumakain ng burger. Gusto kong matulog habang nasa byahe papuntang Tallis pero hindi naman ako makatulog. Instead na antok, gutom ang naramdaman ko.


"Okay naman po, Ma'am. Kayo po ba? Masaya po ako't nandito na ulit kayo." Napangiti ako sa sinabi niya. Actually, ayoko na talagang umuwi. Kailangan ako ng mga kaibigan ko sa Las Vegas pero kailangan din ako ng Oracion Group.


Pagkatapos ng ilang minutong pakikipag-usap kay Kuya Isagani, nakatulog din ako. Nagising na lang ako na nasa Tallis na ako. Gabing gabi na kami nakarating sa bahay pero gising na gising 'yung mga helpers namin para salubungin ako. Mahigpit akong niyakap ni Manang Susan at sinamahan sa loob ng bahay.


"Nilinis ko na ang kwarto mo. Noong sinabi mong i-renovate ito, pina-renovate ko kaagad," sabi pa niya.


"Talaga po? Salamat!" Dumiretso ako sa may end table at marahang hinaplos 'yung dalawang urn na naroon. Napangiti kaagad ako. "Nandito na po ako."


Matagal kong tinignan 'yung picture nila Lolo at Lola na magkayakap. Hinaplos ko 'yon bago tumalikod at umakyat sa kwarto ko. Pumalakpak si Manang Susan nang makita niya ang reaksyon ko. Hindi ako nagsalita pero nagustohan ko 'yung bago kong kwarto.


"Magtatagal ka ba rito, hija?" tanong ni Manang Susan habang nagsasalin ng juice sa baso ko.


Tinignan ko 'yung malawak na kapatagan sa harapan ko habang ngumunguya ng bacon. Nag-bebreakfast ako sa may balcony ng aking kwarto. Unang araw ko sa Tallis at balak kong mag-inspection sa may factory. Balak ko sanang bukas ay tumulak na kaagad pabalik sa Maynila dahil mostly, nandoon ang trabaho ko pero rito muna ako. Hindi muna ako aalis.


"Siguro po. Isang linggo yata," sagot ko.


Pero nagtagal ako ng limang buwan sa Tallis. 'Yung dating office ni Lolo ang naging office ko muna pansamantala. Tuwing tanghali hanggang alas tres ng hapon, nasa office lang ako o minsan ay nasa farm o 'di kaya'y factory, nag-tatrabaho. Alas kwatro hanggang ala-sais, nasa Rise Peak ako, nanonood ng sunset mag-isa.


Tumalikod na ako at dahan dahang bumaba pagkatapos kong manood ng sunset sa may Rise Peak ulit. Ito na ang huli dahil babalik na ako ng Maynila bukas. Ngayon pa lang, sumasakit na ang ulo ko sa sobrang daming trabaho pero pinili ko ito. Kasalanan ko rin naman kaya nangyayari ito sa akin ngayon. Ilang taon akong nagpakasaya sa Las Vegas kaya ngayon, tambak ang trabaho ko.

Beneath the SkyWhere stories live. Discover now