37

802 21 12
                                    

Chapter 37


"Let's dance, Autumn!"


Binitawan ko si Geib at nilapag ang hawak na baso sa lamesa bago nagpahila kay Gill. Nakakailang shots na ako kaya medyo nahihilo na ako. Nakipag-siksikan kami sa may naunahan at nagsayaw doon.


"Oh my god!" Hinila ko si Gill nang sayawan niya 'yung isang lalaki. "You're drunk, asshole!"


Hinawakan ko ang ulo ko nang bigla itong kumirot. Hinila ko ulit si Gill. Mas nahiya ako nang mag-twerk siya at naghiyawan ang lahat ng taong nakakita!


"Uy, tanga ka!" Maharot na hinila ni Kenley ang buhok ni Gill at sinubukan itong ilayo sa lalaki. "Mas lasing kami kaysa sa 'yo pero mas malala ka naman!"


Tawa ako ng tawa at kinuha 'yung hawak ni Gill na bote ng vodka. Ininuman ko 'yon habang bahagyang sumasayaw, sinasabayan ang musika. Humarap ako kay Sidnee at tinapat ang bote sa bibig niya. Ganoon din ang ginawa ko kay Kenley bago kami sumayaw sa gitna ng dancefloor.


"Whoooooo!" Umakbay ako kay Gill at tumalon talon. Hinawakan niya ako sa may bewang ko dahil lasing na ako at parang any time ay matutumba ako sa suot kong heels. I poured vodka into Gill's mouth while swaying my hips.


"Gago ka!" sabi ni Gill at pinunasan ang gilid ng kanyang labi. Tumawa lang ako at sumayaw ulit.


Umalis kami sa dancefloor noong biglang tumakbo si Kenley dahil nasusuka. Sinundan siya ni Sidnee at binalik ko naman si Gill sa may couch namin.


Sinandal ko 'yung sarili ko sa may couch at pumikit. Dumilat lang ako nang may itapat na baso si Gill sa labi ko. Kinuha ko 'yung tequila at inisang lagok lang.


"That's enough," sabi ni Geib at nilayo sa akin 'yung alak. Sumimangot ako at tinignan siya. Sinandal ko ang mukha ko sa may tiyan niya at pumikit. "Let's go home."


"Uwi na kayo, bro?" Narinig ko ang boses ni Kelvin. Inalalayan ako ni Geib sa pagtayo. Pinulupot niya kaagad ang braso sa bewang ko, takot na matumba ako. I put my whole weight on him while grabbing my clutch bag.


"Mauuna na kami, Kevs! Congrats sa inyo ni Sidnee!" sigaw ko habang nakapikit. Inaantok na talaga ako. Huling tingin ko sa orasan kanina, 2 AM na. Baka 3 AM na ngayon.


Kelvin laughed. "Yeah, kailangan n'yo na ngang umalis. Ingat kayo. Thanks, A. Invited ka, ah." Tumango ako at sinandal ulit ang sarili kay Geib. Nakita kong tinapik nito ang balikat ni Kevs bago naglakad. Nadala ako dahil hawak niya ako.


"You should not get too drunk," I heard Geib's voice.


I giggled and hugged him while we're walking. Naramdaman ko ang kamay niya na medyo tinutulak ako dahil pababa kami ng hagdan, hindi niya yata makita 'yung steps. Mas niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan ang kanyang leeg.


"Please, don't do this here." Natawa ako nang marinig ko ang pagmamakaawa sa boses niya. I put my hands around his neck and tried to plant a kiss on his lips but he stops me so I pouted like a kid. 

Beneath the SkyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin