36

887 19 3
                                    

Chapter 36


"I don't have any problem marrying you."


I'm fine with it since I don't see myself marrying different man but him. Pero hindi ko pa nakikita ang sarili kong ikakasal. I mean, handa naman ako pero parang hindi pa ito ang tamang panahon. Ang dami pa naming aayusin at plano bago kami maikasal ni Geib.


Geib remained silent, grinning. Tumayo ako at sinalubong si John. Nag-usap kami saglit bago kami nito hinatid sa may parking lot. I kissed his cheeks before entering my car. Nag-drive ako papunta sa condo ni Geib. Sinulyapan ko pa 'yung kalsada dahil dito kami unang nagkita ni Geib pagkatapos ng walong taon.


Pareho kaming pagod sa trabaho kaya nag-decide kami na umorder na lang ng pagkain. Nauna na ako sa condo dahil nag-drive thru pa si Geib.


Hinanap ko kaagad 'yung maleta ko pagkapasok sa condo at natagpuan ko 'yon sa may kwarto ni Geib. Maayos ng nakalagay sa closet 'yung mga damit ko. Nasa may gilid naman 'yung ilang heels na dinala ko rito. Namangha ako. Inayos pa talaga niya ito, ah.


I took a cold shower before wearing my pair of pajamas. Lumabas kaagad ako nang marinig kong may nag-doorbell. Pinagbuksan ko kaagad si Geib kahit mayroon naman siyang extra key ng kanyang condo.


"Let's watch movie while eating," I suggested. Tumango naman siya at dineretso sa living room 'yung mga pagkain. Sinara ko muna 'yung pinto at kaagad na sumunod sa kanya.


Inayos ko 'yung box ng pizza sa may center table habang nakatayo si Geib sa gilid ko, niluluwagan ang suot na neck tie. Ang kanyang coat ay nasa may couch na at nakakalat kaya kinuha ko 'yon at nilagay sa may laundry basket sa kwarto niya.


"I will just-"


"No!" Hinila ko siya pabalik dahil aalis na sana siya. "Kain muna. Don't worry, hindi kita aamoyin," pang-aasar ko.


Tinupi niya hanggang sa siko ang suot niyang itim na button-down dress shirt habang umupo sa tabi ko. Nilagay ko kaagad ang legs ko sa may kandungan niya para hindi siya makawala habang nakatuon ang atensyon ko sa may TV.


"That movie is beautiful," I told Geib because I had watched it a few times. Binuka ko ang bibig ko nang subuan ako ni Geib ng pizza.


Nanood lang kami ng movie habang sinusubuan ako ni Geib ng pizza at pasta. Tinapat niya sa bibig ko 'yung straw ng cola at sumipsip ako roon, nakatuon pa rin ang tingin sa may TV screen. Nasa climax na kasi! Ni hindi ko alam kung nanonood ba si Geib o sinusubuan lang ako rito.


"The original Apple is currently in Japan but she was replaced by a fake Apple," rinig kong bulong bulong ni Geib sa tabi ko.


"Shut up, will you!?" Hinampas ko ang braso niya at tinignan siya dahil tapos na 'yung movie. Sinandal ko ang ulo ko sa may balikat niya at pinaglaruan ang kanyang mga daliri na nasa may legs ko. "Bakit hindi mo pina-renovate 'yung kwarto ko rito sa condo mo?"


'Yon 'yung tanong na gusto kong itanong sa kanya noon pa nang makita ko ang kwarto ko rito na buo pa at sobrang linis. Kung ano 'yon noong iniwan ko, ganoon pa rin ng makabalik ako.

Beneath the SkyWhere stories live. Discover now