25

879 22 11
                                    

Chapter 25


"Ikaw 'yung bago kong dorm mate?"


Tiningala ko 'yung babaeng biglang pumasok sa dorm ko. Napatingin kaagad ako sa paligid. Sa sobrang occupied ko, hindi ko napansin na may ibang gamit ang dorm na pinagdalhan sa akin.


"Uhm, siguro..." sagot ko. "Filipino ka? Exchange student ka rin from NIS?"


Tumango siya at sinarado ang pinto bago dumiretso sa may kama niya yata. "I'm Lailah. Ikaw?"


"Autumn. Autumn Oracion." Saglit na umawang ang labi niya. Hindi ko alam kung dahil sa gulat o dahil may gusto siyang sabihin pero tinikom na lamang niya 'yon at pinaliwanag 'yung rules sa dorm namin, lalo na sa kwarto namin. Hindi naman siya masungit or what, mukhang ayaw niya lang na magulong place. Pero wala siyang dapat ipag-alala dahil hindi naman ako magulong roommate.


Umupo ako sa bakanteng kama na halatang para sa akin. Kanina pa akong nasa France pero tinour kasi muna ako sa may university namin bago ako dinala sa dorm.


Tinuro ni Lailah sa akin 'yung magiging kabinet ko at 'yung study table ko. Magkatapat ang mga study table namin at kapag umupo kaming dalawa roon, magkatalikod kami. Marami siyang sinabi sa akin tungkol sa dorm, lalo na sa university namin.


Noong kinagabihan, sumama ako kay Lailah sa labas para mag-dinner. Nahiya pa ako dahil nilibre niya ako ng isang meal, pang-welcome raw niya sa akin. Pagkatapos no'n, mag-isa na akong bumalik sa dorm dahil may pasok pa raw siya. Nag-papart time job yata siya tuwing gabi.


Bago ako natulog, tinawagan ko muna sila Lolo at Lola. Excited ko silang inikot sa may dorm ko. Kinuwento ko rin si Lailah sa kanila at sobrang tuwa sila dahil mayroon kaagad akong kaibigan sa unang araw ko sa France. Gusto kong magtanong patungkol kay Geib. Gusto ko kasi na kahit malayo na ako ay updated pa rin ako sa kanya kaso hindi ko na lang tinuloy.


Kinabukasan, pagkagising ko, wala na si Lailah. Ni hindi ko naabutan 'yung pag-uwi niya kagabi. Wala akong gagawin hanggang sa susunod na linggo. Since late comer ako, next sem pa ako makakapasok. By the way, nag-shift ako into business course.


Ewan ko. Naisip ko lang habang nasa eroplano ako kahapon. Gusto ko ang pastry. Pero inisip ko 'yung negosyo nila Lola at Lolo na paniguradong ipapamana nila sa akin. Ayoko namang i-handle 'yon ng walang kaalaman. At mas lalong ayokong mapunta 'yung pinaghirap nila sa iba kasi pinili ko 'yung sarili ko.


"Kumain ka na?" Napabangon ako nang biglang pumasok ng dorm si Lailah. Naka-white t-shirt, jeans at white sneakers lang siya. Nilapag niya ang kanyang bag sa kama at tinignan 'yung laman ng ref. "Lunch namin, e. Umuuwi ako tuwing lunch para makatipid. Kumain ka na? Magluluto ako."


Actually, hindi ako kumain ng breakfast. Wala akong gana. Binalikan ko 'yung kinainan naming restaurant kagabi pero sarado 'yon. Wala na akong alam na restaurant maliban doon dahil ito ang unang beses ko rito sa may France.


Tinignan ko si Lailah habang kumain siya sa may study table niya. Dinamay niya ako sa niluto niya at medyo pinagalitan pa niya ako noong nalaman niyang hindi ako kumain ng breakfast. Binigay pa niya ang kanyang cellphone number sa akin at tawagan ko lang daw siya kapag may kailangan ako.

Beneath the SkyWhere stories live. Discover now