32

920 17 14
                                    

Chapter 32


"Shit, where I am?!"


Bumangon kaagad ako at tinignan 'yung sarili ko. Suot ko pa rin 'yung outfit ko papuntang Revel kagabi. Sinapo ko 'yung noo ko nang kumirot ito ng bahagya. Mariin akong pumikit at humiga ulit, inaalala 'yung mga nangyari kagabi. Paano ako nakauwi?


Nagkunwari akong tulog nang may biglang kumatok sa labas. Narinig kong bumukas 'yung pinto at nagsara. Hindi ako huminga nang makarinig ako ng yapak palapit sa akin.


"I know you are awake." Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Geib. Dahan dahan akong dumilat at tinignan siya. Bumangon kaagad ako at bahagyang lumayo sa kanya.


"Nasaan ako-" Sinapo ko ulit ang ulo ko nang kumirot ito. Parang binibiyak! Ang sakit. Tinignan ko ulit si Geib habang sapo ang aking ulo na parang any time ay babagsak ito sa sahig. "Anong nangyari kagabi? Bakit napunta ako bigla rito?" Tumingin ako sa paligid. Nasa kwarto ako sa may condo niya.


Nilipat ko ulit 'yung tingin ko sa kanya. Ngayon ko lang napansin na naka-dark blue suit siya at suot na naman niya 'yung neck tie na bigay ko sa kanya noon. Tumikhim ako. Mukhang papasok na siya sa trabaho niya. Naka-sampay pa sa braso niya 'yung coat niyang dark blue rin. Nakabukas ang unang dalawang butones ng kanyang white button-down dress shirt kaya nakita ko 'yung suot niyang necklace.


"Apple is waiting for you outside. I already cooked a soup for your hangover. I also put medicine on the countertop. Drink it after you eat." Sinulyapan niya suot niyang relo. "I have a meeting so I am leaving early today. She doesn't have her nanny so you have to watch over her today."


Hindi pa ako nakakasagot, tumalikod na siya sa akin at lumabas ng kwarto. Iniwan pa niyang nakabukas 'yung pinto kaya bumangon na ako at sumunod sa kanya. Nadatnan ko siyang may sinasabi kay Apple bago hinalikan ito sa may noo at ginulo ang buhok. Tumingin si Geib sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay.


"Ingat," sabi ko dahil parang may hinihintay siya habang nakatingin sa akin. Sumimangot ako nang lumapit siya at ginulo rin ang buhok ko. Inis kong tinulak 'yung kamay niya palayo kaya bahagya siyang tumawa habang inaamoy 'yung kamay niya. Binangga ko ang balikat niya at dumiretso na sa may kitchen para tignan 'yung soup na tinutukoy niya.


Sinilip ako ni Geib sa may kitchen at kumaway bago tuluyang umalis. Tinawag ko si Apple at tinanong kung kumain na siya. Tumango naman siya at pinaalis na dahil gumagawa raw siya ng kanyang homeworks. Sabado ngayon at wala silang pasok sa school pero may pasok ako sa office pero ang sakit talaga ng ulo ko!


Pagkatapos kong kumain, hinugasan ko 'yung mga plato bago pinuntahan si Apple sa may living room. Nadatnan ko siyang nakaupo sa sahig habang nagsasagot sa kanyang libro. Pinatay ko 'yung TV bago umupo sa tabi niya.


Pinapanood ko lang siya at 'pag may hindi siya alam, tinuturo ko 'yon sa kanya. Namangha nga ako kasi ang talino niya.


"Gusto mong mag-bake tayo?" tanong ko kay Apple. Tapos na kasi siyang gumawa ng homeworks at pareho na kaming nakasalampak sa may couch, nanonood ng TV. Magiliw siyang tumango kaya dumiretso na kami sa kitchen. Cookies ang gusto niyang i-bake namin dahil 'yon daw ang favorite niya. Habang nag-babake kami, nagluluto na rin ako ng ulam para sa lunch namin. Naisip ko bigla si Geib kaya kinuha ko 'yung phone ko at nag-message sa kanya.

Beneath the SkyWhere stories live. Discover now