HSTT - 75

3.9K 209 79
                                    

Present Time...



"Nasaan ako?" Tanong ko habang hinihilot ang sentido ng ulo ko.

"Fuck. Ang sakit ng ulo ko." Reklamo ko at napahawak ako ron. Kinapa ko ito at nakapakunot ang noo ko nang may tela akong nakapa.

"Anong nangyari sa inyo ni Reginy?"

Nabaling ang paningin ko kay Raine na nakaupo sa may couch habang magkatabi sila ni Luke. Seryoso ang pagmumukha nilang dalawa. Mukhang kanina pa nila yata ako hinihintay na magising ah? Pinanood ba nila akong matulog? Sana hindi tumulo ang laway ko.

"Kung hindi pa kami dumating ni Raine ay muntik ka nang mawalan ng control sa harapan ni Reginy. Man, nandon pa 'yung anak niyo." Luke said and I looked away.

Okay, seryoso nga sila so I have to be serious too.

"I was just hurt. I'm sorry."

Umupo ako sa kama at inalala ang mga nangyari. Simula nang natagpuan ko siya, hindi na kami nagkaayos. Lagi nalang siyang galit sa akin. Ni minsan hindi ako nakaramdam ng ibang pakiramdam mula sakaniya kung 'di puro inis at pagkamuhi. Hindi ko naman siya masisisi kung bakit ganon ang nararamdaman niya. Kahit pa na lumipas na ang anim na taon, nandon pa rin sakaniya at nakatanim 'yung sakit na ginawa ko. Namunga na nga yata dahil sobra sobra na ang galit niya.


"I'm going back. Babalikan ko silang dalawa." I said and stood up from the bed.

"Man, baka wala na sila ngayon ron." Luke said and my brows arched with what he said.

"Anong wala na?"

"Baka nasundo na sila ni Red."

"Ano?!" Sigaw ko.

Paanong nasundo? Red doesn't know where we are and I made sure that he wouldn't find where I hid Reginy. Tanging kami lang ang nakakalam pati si Manang Aryan.

"Sinabi niyo ba sakaniya?" Seryosong tanong ko at parehas silang nag iwas tingin.

So they really told him without telling me?

"Why?" Galit na sabi ko. "Bakit niyo sinabi sakaniya?!"

"Your father told us to. He called us."

"Putangina." Mura ko at mabilis kong inayos ang sarili ko.

Ano bang problema ng matandang 'yon at nakikialam nanaman sa buhay ko?!



I drove myself going to our family mansion. I know for sure that they are here. My instict is telling me. Dire diretso akong pumasok sa loob ng mansion at naabutan ko ang tatay kong pahithit hithit nalang ng sigarilyo. Sana all.



"Where is Reginy?" I asked him right away without greeting him. Hindi niya naman birthday so okay na 'yon.

"Won't you say hi?" Nakangiti na sabi niya.

"Edi hi. Nasaan nga?" Inis na tanong ko.

"Won't you say I miss you?" He laughed with his question now. I showed him my most annoying face just to show that he is not funny.

"Hindi ka pwede maging comedian. Tama na. Nasaan na nga kasi?" Pikon na sabi ko.

"He is so handsome. He got my genes." He said seriously now.

Mabilis din magbago ang mood ng matandang 'to e. Nakuha ko siguro sakaniya ang ganitong pag uugali.

"Gwapo talaga 'yon dahil ako ang ama. Nasaan na sila?" Pag uulit ko.

Nakakahalata na ako ah. Kanina pa ako tanong ng tanong pero hindi naman niya ako  sinasagot.

"I am sorry for what Red did."

His Story To Tell (R-18)Where stories live. Discover now