HSTT - 25

5.9K 184 23
                                    

🖤🖤🖤

Binitawan ni Kuya Luke ang kamay ko nang makarating kami sa may tubig dagat. Tumakbo ako hanggang sa umabot ng hanggang bewang ang tubig sa akin.

Seasalt will always calm the hell out of me. Pinag laruan ko ang tubig at inilubog ko ang buong katawan ko sabay pikit. Nang umahon ako ay nasa tabi ko na si Kuya Luke at naka tingin sa akin.


"Gustong gusto mo talaga ang dagat no?"

"Oo, Kuya." Sagot ko sakaniya habang naka ngiti. "Pati naman swimming pool gusto ko e. Basta tubig."

"Sirena ka siguro sa past life mo."

What? Joke ba 'yan? Nag jojoke ba siya? Tumawa ako dahil baka nag bibiro nga siya. Kawawa naman kung 'di mabenta.

"Kamusta pala 'yung tatlong lalaki kahapon, Kuya?"

Nawala sila kahapon at ang sabi ay sila ang nag ayos sa ginawang pambubugbog ni Kuya Ryoga.

"We sent them in the hospital. Binayaran din sila ng Kuya mo. Baka mag reklamo e."

Nag floating siya sa tubig at napa titig ako sakaniya. Ang gwapo niya talaga. Nakaka inis!

"Were you scared yesterday?"

"O-ofcourse. Who wouldn't be?"

Kahit naman siguro ay matatakot sa ginawa na 'yon ni Kuya Ryoga e. Manhid nalang ang hindi.

"He is really scary when he is mad."

"Is he always like that?"

"Yeah."

"Why?"

"Let's just say that ayaw niya lang na may bumabastos ng mga babaeng malalapit sakaniya kaya ganon siya kagalit."

"Bakit siya nagagalit? E siya nga mismo bastos."

Kahit noong wala pang something sa amin ay literal na bastos na siya. He is always joking about sex and all. Minsan nga parang hindi na joke ang mga sinasabi niya e.

"Hayaan mo nalang siya. Ang mahalaga iniligtas ka niya sa mga gago na 'yun."

"Oo nga po e."

"Kahit naman siguro ako magagalit nang ganon kung binastos sa harapan ko si Ritsumi o ikaw e. Syempre kapatid ka ng bestfriend namin."

Bigla akong nakaramdam ng inis dahil sa sinabi niya.

"Kapatid ng bestfriend"


'Yan ang label na binigay niya sa akin doon sa babae kanina! Letse siya! Gusto ko silang lunurin!

Umayos si Kuya Luke at itinigil niya ang pagfo floating nito. Tinignan niya ako at hinawakan niya ang kamay ko. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko dahil don. Enebe kasi! Bakit niya hinahawakan ang kamay ko?!

"Gusto mo bang mag punta tayo sa malalim?" Tanong niya sa akin.

Gusto ko pero medyo natatakot ako. Sasama ba ako?

"Natatakot ako Kuya."

"Hahawakan kita. Kapit ka sa akin."

"R-really?"

"Yeah. Let's go."

Tumalikod siya sa akin at tinapik nito ang likuran niya. Gusto niya ba akong pasanin para mapunta kami sa malalim?

Lumapit na lamang ako at sumampa ako sa may likuran niya. Inayos niya ang mga kamay ko sa leeg niya at naka piggy back ako sakaniya. Kinuha niya ang mga hita ko and he wrapped it around his waist. He started to walk.

His Story To Tell (R-18)Where stories live. Discover now