HSTT - 23

7K 194 15
                                    

🖤🖤🖤

We're on our way to the beach together with Kuya Ryoga, Kuya Luke, Kuya Raine, Luther and Ritsumi. Nag balak sila Kuya na mag beach ngayon dahil gusto raw nila ng tubig alat at weekends naman. Wala kaming pasok ni Luther. Pagka rinig na pagka rinig ko palang sa binabalak nilang ito kagabi ay sobrang na excite ako to the point na pinrepare ko na ang lahat ng mga gamit ko pati nang kay Kuya Raine. I love sea salt! It's my favorite kaya naman hindi na ako nagpa tumpik tumpik pa.



"Man, ang bagal mo namang mag drive. May patay ba?" Reklamo ni Kuya Ryoga na nasa tabi ko.

Si Kuya Luke ang nag da drive at nasa tabi niya si Kuya Raine. Nasa kasunod namang upuan si Luther at Ritsumi at nasa pinaka likod kaming dalawa ni Kuya Ryoga. We're using Kuya Ryoga's big van.

Oo, mayaman nga kasi talaga sila. Siya lahat ang gagastos nang lakad naming 'to.





"Ikaw kaya rito? Ang dami mong reklamo naka upo ka lang naman diyan." Sagot ni Kuya Luke.

"Wow man. Binabara mo na ako?"

"Stop it nga, Ryoga! Huwag mong awayin ang brother in law ko." Tinignan siya ni Ritsumi atsaka siya inirapan nito.

"You stop fliring with Luther bitch."

"You too."

"Pasasabugin ko 'yang bibig mo e."

"Edi wow. Sumbong kita kay Red e."

Nag aaway ba sila? Para silang mga bata.

"Rej, baby. Inaaway nila ako." Bulong sa akin ni Kuya Ryoga at isinandal nito ang ulo niya sa akin na siya namang mabilis kong inalis. Baka mamaya makita kami ni Kuya Raine.

Hinawakan nalang niya ang kamay ko at pinag salikop niya ito. He smiled at me atsaka niya ako kinindatan. Baliw talaga as always. Bakit ko nga nagustuhan ang mokong na 'to?




Nang makarating kami sa resort ay dumiretso na kami sa mga kwarto namin para makapag ayos. Kasama ko si Ritsumi sa room habang magka roommates si Kuya Luke at Kuya Raine then Kuya Ryoga and Luther.

"Hey, Rej. Mag si swimsuit ka ba?" Tanong sa akin ni Ritsumi habang tinitirintas niya ang buhok niya sa may harapan ng salamin. Lumapit ako sakaniya para tulungan siya. Ako ang nahihirapan e.

"Thanks." Masayang sabi niya.

"Oo. May dala dala ako riyan. Mag palit na tayo after natin dito. Gusto ko ng lumangoy e."

"You love beaches?"

"Yep."


Sobrang inlove ako sa dagat. 'Yun nga lang kahit gustuhin kong mag babad at pumasyal parati ay hindi pwede. Hindi ako papayagan ni Kuya Raine dahil madali akong mapagod at baka mag kasakit ako. I should know my limits.

"Well, I love beaches too because I can show off my sexy body."

Natawa na lamang ako. Kakaiba talaga 'tong si Ritsumi. Mag kapatid nga sila ni Kuya Ryoga. Medyo same ang attitude nila e. I wonder if Kuya Red is like this too? Hindi ko pa siya nakakasama katulad ng ganito e. I can say na mailap ang isang 'yon or talagang hindi lang siyang sumasama sa mga kaibigan ni Kuya Ryoga.

"Hey, Rej. Huwag mo masyadong sexyhan ha? Baka ma akit si Luther sa'yo e. Sa akin lang dapat siya maakit. Lam mo na ha? Huwag mo akong agawan ng eksena."

"Gustong gusto mo ba talaga si Luther?"

"Hindi ko siya gusto. Mahal ko siya. Siya ang para sa akin. E ikaw?"

His Story To Tell (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon