HSTT - 38

5.2K 192 81
                                    

🖤🖤🖤

Hindi ako nakatulog nang maayos kakaisip sa problema na meron ako. Para bang sa estado ko ngayon ay kailangan kong mamili. Alam ko sa sarili ko kung ano ang dapat kong gawin pero hindi ko magawa. Hindi ko kaya.

Sa sobrang pag iisip ko, kanina pa ako naka gising ng 5 AM pero nakatulala lamang ako. Pakiramdam ko nabobobo ako sa lahat nang 'to. Hindi malayong mastress ako. I looked at the clock and it's 10:15 AM already. Ganon na ba ako katagal na nakatunganga?



"Rej?" Umayos ako ng upo sa kama nang marinig ko ang pag tawag sa akin sa labas.

"Pasok po." I answered.

Bumukas ang pinto and it's Kuya Raine. I smiled at him and he sat on my bed, in front of me.

"Good morning baby." He greeted sweetly and kissed my forehead.

"Good morning, Kuya."

"Ligo ka na. May pupuntahan tayo."

"Saan? Sa mall ba 'yan?" Masayang tanong ko.

Sana may pa shopping! Madalas kasi after naming mag tampuhan ay aayain niya ako sa mall to spoil me. Pero mali yata ang nasa isip ko nang pitikin niya ang noo ko.

"Aray ko naman!" I said at hinimas ang noo ko. Ang sakit ha.

"Birthday ng dad ni Ryoga. We'll go there."

Napa tulala ako sa sinabi ni Kuya. Totoo ba 'to?  Tama ba ang rinig ko? Birthday ng Dad ni Kuya Ryoga ngayon at pupunta kami? Bakit hindi ako sinabihan ni Kuya Ryoga? Ayokong sumama. Ayokong pumunta.

"A-ayaw ko, Kuya. Sorry but I won't go."

"Bakit?"

Hindi ako sumagot at umiwas ako ng tingin. Paano kapag nagpunta ako ron at binisto niya ako sa harapan nilang lahat? No! I can't!


"Rej, if you are thinking about what happened last night, this is the right time to prove them wrong. Na wala kayong relasyon o ano mang namamagitan sa inyo ni Ryoga. Na sila lamang 'tong nag iisip nang masama sa closeness niyo."

"I really can't Kuya."

"Rej, come on. I am with you. Wala ka namang dapat ikatakot dahil wala ka namang ginagawang masama."

'Yun na nga e. Alam ko sa sarili ko na may ginagawa akong masama at 'yun ang kinakatakot ko!

"Please? Pumunta na tayo." Hinawakan niya ang dalawang kamay ko.

"Kuya kasi an-"

"Rej, I got you okay? Besides he told me to bring you there." He said and it made me shocked again.

"What?"

"Maybe he'll ask for forgiveness for thinking that way? I talked to him already this morning through call and I told him that you and Ryoga don't have a thing."

"Hindi mo na dapat ginawa 'yun, Kuya."

"Basta, maligo ka na. He event sent a dress for you. I think he really wants you to go there. Gago kasi 'tong si Luke e. Siya ang nag umpisa nito. Hindi ko alam na aabot 'tong walang kwentang issue kay Tito Ryu."

"Ryu?"

"Yeah. That's his father's name. Ryutaka."

Tumayo nsi Kuya mula sa pagkaka upo niya at hinila niya rin ako patayo. Tinulak niya ako papuntang CR at pinagbuksan niya pa ako ng pinto.

"Take a shower. Maliligo na rin ako. Nag aayos na sila Tito and Tita kaya bilisan mo at baka mahuli ka pa."

He closed the door of the rest room at wala na akong nagawa pa. Paano niyan 'to? May binabalak kaya ang tatay niya? Pinadalhan niya pa ako ng dress e.

His Story To Tell (R-18)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن