HSTT - 33

5.5K 180 31
                                    

🖤🖤🖤

Nag aral ako buong mag hapon at nakinig nang mabuti sa mga teachers ko. Ewan ko ba, automatic na sinunod ko ang habilin ni Kuya Ryoga sa akin na mag aral nang mabuti.

Uto uto na ba akong girlfriend nun?


I looked at Leinah beside me and she is so quiet. Kanina ko pa napapansin ang pagiging tahimik niya. Pati kanina sa lunch ay parang wala siya sa sarili niya. I wonder why?

"Lei, okay ka lang ba?" I asked for the nth time.

Kanina ko pa kasi siya tinatanong kung okay lang ba siya or what? Hinihintay kong sumagot siya ng hindi dahil alam kong hindi siya okay. Hindi siya mukhang okay.

"May iniisip lang ako bes." Buti naman at nag bago na ang sagot niya. Mula kanina ay puro siya, 'okay lang' kahit hindi naman.

"So class, that would be all for today. Don't forget to do some readings. May quiz tayo bukas."

Nagsipag tayuan na ang mga kaklase ko nang mag ring nang bell. I fixed all of my things and I put it all inside my bag.



"May sundo ka?" Leinah asked habang papa labas na kami ng room.

"Ah oo. Ikaw ba?"

"Sino susundo sa'yo bes? Si Kuya Raine?"

"Ah, hindi. Nasa Cebu si Kuya Raine e. Bukas pa ang uwi nun."

"Ah! Edi si Kuya Luke no? Ayiiee! Siguro kilig to the bones ka niyan kasi siya ang susundo sa'yo." Pang aasar niya. Hindi ako sumagot atsaka ko lamang siya nginitian.

"Si Kuya Luke nga bes?"

"Ha?"

"Yung susundo sa'yo. Hindi ba may susundo sa'yo?"

"H-hindi. Si Kuya Ryoga ang susundo sa akin. Siya ang kasama ko sa bahay ngayon dahil wala si Kuya."

Tumango tango siya at para bang nag iisip ito. Ang weird niya ngayon actually. Naguguluhan ako sa inaakto niya.

"Rej, Iced Coffee muna tayo? Bili tayo sa Cafeteria. Libre ko."

"Sige. Libre mo naman pala e. G ako riyan!" Hinila ko ang kamay niya at dali dali kaming nag punta ng Cafeteria.


May iilang mga studyante ang kumakain at nag memeryenda. Pumila kaming dalawa sa may counter at bumili siya ng Iced Coffee atsaka niya binayaran.

"Oh, 'yan. Large 'yan para hindi ka maka tulog mamaya. Mag review ka ha. Pakopyahin mo ako bukas." She said and she gave me the drink.

"Thank you!"

Lumabas kami ng Cafeteria at nag taka ako nang bigla siyang lumiko papunta sa soccer field. Hindi dito ang gate palabas ah? Anong ginagawa namin dito?

Sinundan ko na lamang siya at umupo ito sa may bleachers. Umupo na rin ako. Gaya gaya ako e.


"Hindi pa ba tayo uuwi?" I asked at sinipsip ko ang straw. Ang sarap lang talaga ng kape nila!

"Bakit? Mainipin ba ang Kuya Ryoga mo?"

"Hmm, hindi naman. Ite-text ko nalang siya siguro."

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at nag type ako ng message sakaniya na hintayin niya na lamang ako sa labas at magkasama pa kami ni Leinah.

"Bago nanaman cellphone mo? Hindi ba't naka Samsung ka?" Tanong niya habang naka tingin sa cellphone ko.

"N-nasira kasi ulit 'yung Samsung na binili natin kaya bumili ako nang panibago."

His Story To Tell (R-18)Where stories live. Discover now