HSTT - 66

5K 221 88
                                    

🖤🖤🖤

Ryoga's POV

Parang binibiyak ang ulo ko habang binubuksan ang mga mata ko. Hahawakan ko na sana ito, pero napatingin ako sa mga kamay ko nang makitang nakatali ito. Nakita kong may kadenang nakatali sa mga kamay ko pati sa mga paa ko. Bilanggo ba ako? Ano 'to? Pucha!



"The fuck is this? What the hell?"

Sinubukan kong tumayo at kumawala pero hindi ko magawa. Sobrang higpit nang pagkakatali sa akin at parang sinisiguro ng gumawa nito na hindi ako makawala.

"Hoy! Pakawalan niyo ako rito!" Sigaw ko at patuloy parin ako sa pagpupumiglas.

Bumagsak ang mga luha sa mata ko nang bigla kong maalala ang mga nangyari sa bahay nila Raine. Tristan, my Mom, Tito and Tita, Reginy and Jowana. My pain tripled when that memory played in my mind non-stop. Parang isang malaking bangungot ang lahat.


"Alisin niyo 'to! Tangina niyo!"

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok doon ang tatay ko, kasama ang Kuya ko.

"Bakit ako nakakadena?! Alisin niyo nga 'to!"

Parehas lamang silang tahimik at nakatitig sa akin habang inoobserbahan ako. Anong problema ng mga 'to?! May mga sapi ba sila?

"Red! Alisin mo 'to! Ano ba?!" Sigaw ko sakaniya.

"Sino ka?" Tanong niya at parang bigla kong gustong suntukin ang mukha niya. Ginagago niya ba ako?

"Gago ka ba?! Alisin niyo sabi 'to! Dad!"

Tinignan ko ang tatay ko na nakatitig lamang. Ano bang pakulo nila?! Hindi ito ang tamang oras para igapos nila ako rito! I need to find that fucking Tristan!

"Who are you?" My dad asked and I swear I want to punch his face. Kahit pa na tatay ko siya ay sasapakin ko talaga siya.

"Ako si Ryoga!" Sagot ko at pinatulan ko na lamang ang tanong nila.

"Galit ka ba kay Reginy?"

"Ano?! Anong galit?! Nasaan siya?! Kailangan ko siyang puntahan! Okay ba siya? Ligtas na ba siya?!" Sunod sunod na tanong ko habang may takot na nararamdaman sa puso ko.

"He is not him. He's back." Dad said at lumapit siya sa akin at inalis ang kadena na nakatali sa katawan ko.

"Two weeks. Two weeks siyang nawala." Red said.

Umupo ako sa kama at inayos ang sarili ko. I stood up and faced them both.

"Dad, I need your help. That fucking Tristan killed them."

"Ryoga, you need to know something first."

"Ang ano? Ang tungkol kay Jowana? Alam ko na, Red. Anak siya ni Tristan. She betrayed me." I said and my voice cracked in the end.

I met her in Cali kung saan ako nagtitreatment dahil sa nangyari kay Tita Serenity. I witnessed how she was killed in front of me. Jowana was a patient there too. A faked patient to be exact. Pineke niya lang pala ang lahat para mapalapit sa akin na nangyari naman talaga.

I fell inlove with her, at noong okay na ako ay inaya ko siyang umuwi rito sa Pilipinas. 'Yun pala ay may binabalak na siya na kung ano sa akin, sa amin ng pamilya ko at ng mga tinuturing kong pamilya.

She was a spy. A spy that his father sent to me. I loved her with all my heart and I can't accept the fact that she did that to me. Nalagay sa peligro ang nanay ko, ang pamilya ni Raine dahil sakanila ng ama niya. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin ngayon, sa lahat nang 'to.

His Story To Tell (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon