HSTT - 53

4.4K 200 42
                                    

🖤🖤🖤

Kanina pa ako gising pero hanggang ngayon ay nakahiga pa rin ako sa kama at nakatulala. Simula kagabi kasi ay iniisip ko ang mga nangyari. Ni hindi na nga ako nakatulog nang maayos.

Tumayo na ako mula sa kama at tinignan ko ang sarili sa salamin.

"God, naka eyebags pa 'ko." I whispered while scanning the circles under my eyes. Siguro kailangan kong mag pamper mamayang gabi.



Gising na kaya si Leinah? Hindi ko siya kasamang natulog dito sa kwarto ko at hindi ko alam kung saan ba siya natulog. Baka nasa sala pa rin? O kasama sila Luther at Axel? Sa sobrang pag iisip ko ay hindi ko na naisip pa na balikan siya sa baba at paakyatin. Ang sama ko naman!

Lumabas ako ng kwarto para i check siya. I went to the living room and saw Luther sleeping on the floor at magkatabi silang dalawa ni Axel. Malinis na rin ang sala unlike last night na maraming can beers.

"Ba't kay dito natulog 'tong dalawang 'to? May kwarto naman."

Nakayakap pa si Luther kay Axel habang nakatiyaya ito. They looked sweet. Para silang mag jowa.

Sunod kong nakita si Leinah na nasa sofa at tulog na tulog pa rin. Naka nganga pa siya habang nakabalot ng kumot. Saan naman niya galing yang kumot na 'yan?

"Rej."

"Good morning, Tito." Bati ko kay Tito Ade na pababa nang hagdan.

Huminto siya sa tapat nila Luther at Axel na natutulog. Tinignan niya ang dalawa atsaka ito umiling.

"Did they get drunk last night?"

"Ganon na nga po. Hindi na nakaakyat sa room nila."

"Go to the kitchen and help your Tita. She's cooking."

"Sige po."


Iniwan ko siya sa living room at dumiretso ako sa kusina. I immediately saw Tita Laura who's cooking at napahinto ako nang makitang hindi siya nag iisa.

"Put eggs sa fried rice, Ryoga. Rej loves it." I heard Tita Laura said.

"I know, Tita." Sagot ni Kuya Ryoga.

Lumingon siya sa pwesto ko at nagpakita ng ngiti.

"Good morning." Bati niya at napalingon din si Tita Laura sa banda ko.

"Oh, Rej. Nandito ka pala."

"S-sinabihan po kasi ako ni Tito na tulungan po kayo."

"Come here then." Masayang sabi ni Tita Laura atsaka ako lumapit sakaniya. "Ikaw nalang mag prepare ng utensils sa table."

"Okay po." Sagot ko atsaka ako nag umpisang kumilos.

Kumuha ako ng mga pinggan, baso, kutsara't tinidor at inayos sa malaking table. Binilang ko kaming lahat at sinigurado na eksakto ang mga gagamitin namin.

"Mukhang nalasing si Luther kagabi?" Tanong ni Tita na nag luluto ng omelette."

"Opo. Ang kulit niya nga po kagabi e." Sagot ko sakaniya.

"Buti nalang nagluto ng soup si Ryoga. Pampawala ng hangover niyo."

Hindi na lamang ako sumagot at pinag patuloy ang ginagawa ko. Hindi ko naman need ng soup dahil wala naman akong hang over. Ang kailangan ko, tulog. Dahil napuyat ako kakaisip . Kumuha ako ng juice sa ref at nilagyan ko isa isa ang mga baso namin.


"It's so surprising na umiinom ka na rin. Finally, your brother allowed you to." Singit ni Kuya Ryoga.

"E paano kada may inuman dito lagi siyang watcher." Tumatawa na sabi ni Tita.

His Story To Tell (R-18)Where stories live. Discover now