HSTT - 44

4.8K 173 93
                                    

🖤🖤🖤

I don't know where Kuya Ryoga and I are going. Basta nalang ako pumayag na sumama sakaniya. Pinaalis ako ni Kuya Raine sa amin and he is the only person that I have now. It feels like, in the middle of a battle siya ang kakampi ko. Siya ang lakas ko.

"You can sleep if you want. Mahaba haba pa ang byahe natin." He said and I looked at him. He is just seriously driving his car.

"I don't want to sleep." I said and I placed my head on his shoulder. I felt his lips on my head and I smiled because of it.

"Thank you for coming with me. Let's talk when we get there. Okay, baby?"

"Okay."

Tahimik lang siya habang nagdadrive hanggang sa antukin ako. Nagising na lamang ako when he patted my head, waking me up.


"We're here." He said atsaka siya lumabas ng kotse.

Kinuha niya ang bag ko and he has his bag too. Wait? So talagang prepared siya sa pagtatanan namin na 'to?

Bumaba ako ng kotse and gosh umaga na pala?!

I looked around the place and it looks so rural. Nasa probinsya yata kami dahil probinsya na probinsya ang dating nito. Dito kami titira?


"Nasaan tayo?" Tanong ko.

I looked around again and there's a big field at mga maliliit na bundok. Ang tataas pa ng mga puno. Wala bang engkanto rito? Ano ba 'tong mga pinag iisip ko? Hindi lang siguro ako sanay. Sanay ako sa city life at ang mag punta sa mga ganitong lugar ay talagang nag papanibago sa akin.


"Ayaw mo ba rito? Pwede tayong lumipat ng ibang lugar."

"Ah n-no. The place is fine. Mukhang peaceful. Hindi lang siguro ako sanay na magkaka layo ang bahay at masyadong mapuno and green."

"This is San Narciso." He said. "Let's go inside."

Nauna siyang mag lakad at sinundan ko siya ng tingin. May bahay na nakatayo sa gitna. Simpleng bahay lamang ito at hindi katulad ng mga bahay namin at mas lalong hindi katulad ng bahay nila na napakalaking mansion.

Sinundan ko siya and he opened the door of the house. Pumasok kami sa loob.

"Pinalinis ko na 'to kahapon so wala na tayong lilinisin. Aayusin nalang natin 'yung mga gamit at damit."

He put our bags in the wooden chair. 'Yung upuan na gawa sa kawayan.

I looked around the house and it made me smile. This house is so simple. Plain na pintura. Hindi mamahaling gamit. Hindi malaki at hindi rin maluwag.

"Rej."

"Hmm?" I said while still looking around.

"Don't you like the house? Pwede tayong lumipat kung gusto mo."

"What?"

Binaling ko ang tingin ko sakaniya at nakaupo na siya ngayon sa upuan na kawayan.

"Frankly speaking this house is not good. Hindi 'to katulad ng bahay niyo." He said.

"Okay lang naman."

"Really?"

"Oo."

Lumapit ako sakaniya atsaka niya ako pinaupo sa mga hita niya. He hugged my waist and I put my one hand around his nape.

"The house is not important to me as long as you are with me." Masaya na sabi ko at napangiti siya.

"Anong nangyari?" Tanong niya and I avoided his gaze.


His Story To Tell (R-18)Where stories live. Discover now