HSTT - 5

8K 200 27
                                    

🖤🖤🖤

Ang saya saya lang araw araw ng lunch time namin ni Leinah. E kasi naman, araw araw din nag hahatid ng lunch si Manang Aryan para sa amin. Naging ka close na nga namin siya ni Leinah dahil doon. Sinasamahan niya na rin kaming kumain pa minsan.

Naisip ko tuloy na magpa turo kay Manang paano mag luto. Sinabi ko 'yon kay Kuya Ryoga at pumayag naman ito. So next next week ay pupunta siya sa bahay para turuan ako. Ang lungkot nga lang dahil dalawang linggo kaming walang pa free lunch niyan dahil uuwi raw si Manang sa probinsya nila. Ikakasal daw kasi ang pamangkin niya kaya ayun. Sad lunch kami.

Nag sorry na rin pala si Kuya Raine sa akin noong nasigawan niya ako during our breakfast. Syempre sino ba naman ako para hindi tanggapin ang sorry niya? Kaya ayun. Nagpa bili ako ng maraming damit sakaniya para maging okay na kami ng tuluyan. Henyo yata ako no.

I even asked him why are they acting like that. But same as Kuya Ryoga, hindi niya sinabi sa akin ang dahilan. He just told me too that Ryoga cannot sleep alone. Gusto ko na silang pag untog untugin dahil doon. Napaka ano nila! Hindi ko alam kung bakit ayaw nilang sabihin like, am I going to spread it ba sa lahat? They don't trust me. Kainis!

"Bes ano ba kasing ginagawa natin dito sa Mall?" Tanong sa akin ni Leinah habang nag lalakad lakad kami dito sa loob.

Tapos na ang klase namin at Friday naman ngayon. Naisipan ko kasing bilhan ng present si Kuya Ryoga bilang kapalit sa pag sponsor nito sa amin ng lunch. Baka isipin niya ginagantso ko siya at ginagamit ko ang pagka kaibigan na meron kami at sila ni Kuya Raine.

"Gaga ka bes! 'Diba sinabi ko naman sa'yo? Bibili ako ng regalo para kay Kuya Ryoga. Mahiya ka naman. Palamunin niya tayo kada tanghalian!"

"Ay shet! Oo nga pala no? Pinapalamon niya nga pala tayo. Pwede niya na tayong murahin."

"Huh?"

"E kasi 'diba ganon naman 'yon? Kapag may nag mumura ang sagot ng minumura ay, Huwag mo akong ma mura mura. Hindi mo ako pinapakain. Ganern!"

Naks! Ang talino naman pala ng bestfriend ko. Biruin mo naisip niya 'yon? Ibang klase!

"Oo nga no bes? Sige. Kapag minura ako ni Kuya hindi ako mag rereklamo."

"Pero bes ha. Baka mamaya may kapalit pala 'to. Pinapakain ka niya tapos kapalit ay kainin mo rin siya. Omg bes! Baka harassin ka niya!" Sinabunutan ko naman siya dahil sa pinag sasabi niya.

"Alam mo gaga ka no?! Mag isip ka nalang kung anong ibibigay ko sakaniya."

"Bigay mo sarili mo sakaniya. Tiyak, matutuwa 'yon."

"Umayos ka. Kukurutin kita riyan e."

"Aba naman kasi bes. Bakit ako ang tinatanong mo e ikaw ang may kilala ron. Hindi ko naman lubusang kilala 'yon bukod sa alam kong likas at super manyak niya."

E ano naman kasing ibibigay ko kay Kuya? Babae? Alam kong kapag binigyan ko siya ng babae ay matutuwa talaga 'yon. Pero saan naman ako hahanap ng babae? Sa club? Baka mamaya pokpok pa makuha ko tapos nagka sakit pa siya. Myghad! What am I even thinking?

"Ay alam ko na bes. Bilhan mo nalang ng tshirt or shorts or watch. O kahit sapatos nalang. Nagba basketball ba 'yon? Afford mo namang bumili ng sapatos e."

"Ay oo! Lagi silang nag lalaro nila Kuya Raine at Kuya Luke ng basketball doon sa may subdivision. 'Yun nalang pala. Tara, tara! Punta tayong Nike."

Hinila ko ang kamay ni Leinah at tumakbo kami papuntang Nike shop. Pumasok kami roon at nag hanap kami ng sapatos na pang lalaki at pang basketball. Inabot kami ng siyam siyan dahil hindi magka tugma ang bet naming shoes! Kaloka.


His Story To Tell (R-18)Where stories live. Discover now