HSTT - 6

7.6K 197 27
                                    

Nanatili ako sa kwarto kung nasaan ako buong mag hapon at natulog lamang ako. Wala akong balak lumabas. Ayoko siyang makita. Dahil kapag nakikita ko siya ay nasasaktan lamang ako.

Napa tingin ako sa may bintana at gabi na. My room is on the second floor. Pwede kaya akong tumakas dito? Tumalon kaya ako? Napasabunot ako sa buhok ko at hindi ko na alam kung ano pang iisipin ko.

I tried to open the window here at bumukas naman ito. May maliit na veranda doon at napa silip naman ako kung gaano ito kataas. Napa palakpak ako nang makita kong hindi siya ganoon kataas. Pwede akong bumaba doon!

Dali dali kong kinuha ang kumot at sapin ng kama at tinali ito. Nang matapos ako sa ginagawa ko ay lumabas ako sa may bintana. Itinali ko ang kumot na pinag buhol buhol ko sa may bakal.

Desperada na akong maka takas sakaniya. Kailangan ko nang maka alis dito at lahat gagawin ko makalabas lang sa punyetang pamamahay niyang 'to.

Nang masigurado kong mahigpit na ang pagkaka kapit nito sa may bakal ay unti unti akong humakbang dito. Kumapit ako sa may kumot at napa pikit ako sa mga mata ko.

"Lord, help me please. Huwag po sana akong mahuhulog. Ayaw ko pong mabalian ng buto."

Kapit na kapit na ako sa may kumot at unti unti ko nang ibinababa ang katawan ko.

"You can do this, Rej." Pag chicheer ko sa sarili ko. "You can do this."

Unti unti akong bumaba at laking pasasalamat ko na hindi napupunit ang kumot na gamit ko. Nahihirapan ako sa pag baba dahil sa bigat ng katawan ko. Napa tingin ako sa may baba and shit. Malapit na ako.

"Kaunti nalang. Hurry up." I said at pababa na ako ng pababa. Nanlaki ang mga mata ko nang maka rinig ako nang parang napupunit. Shit! Napa tingala ako and hell! It's the blanket.

"No. No. Please no." Bulong ko at napa sigaw na ako ng tuluyan nang bigla itong napunit. Pinikit ko ang mga mata ko at hinintay kong bumagsak sa lupa.

Napa mulat ako ng mga mata ko dahil pakiramdam ko ay hindi lupa ang binagsakan ko. Bigla akong napa tayo when I saw his face smirking at me. Tumayo siya sa mula sa damo na pinag bagsakan naming dalawa at pinagpagan niya ang sarili niya.

"So you're trying to escape?" He asked.

"No. I'm not!" Sagot ko agad sakaniya.

"Really? Then what are you doing up there? Ginagaya si Tarzan?"

"Paalisin mo na ako rito. Ayoko na rito."

"Aalis ka lang rito kung kasama mo ako. Tara na sa loob."

"Ayoko."

"Raven." Seryosong tawag niya sa akin. "Huwag nang matigas ang ulo dahil hindi naman tatalab 'yan sa akin."

"O talaga?"

"Huwag mo akong masagot sagot nang ganiyan."

"Bakit sino ka ba? Tatay ba kita? Kamag anak ba kita? Hindi. Wala ka lang sa buhay ko! Ay hindi pala, rapist nga pala kita." I said to him. Nakita ko namang nag bago ang ekspresyon ng mukha niya at umigting ang panga nito.

"O ano? Apektado ka? Hindi mo matanggap na ni rape mo ako? Fuck you! Mamatay ka na sana! Hayop ka!"

"Ginagalit mo ba ako?" Tanong niya sa akin at ang sama ng tingin nito. Kinabahan ako dahil alam na alam ko kung paano siya magalit.

"As far as I know you don't wanna see me mad." He said. Nag lakad siya papalapit sa akin at napa atras ako sa takot. "O ano? Natatakot ka? I told you. Hindi mo ako kaya. Kaya huwag ka nang mag tapang tapangan sa harapan ko because you're still the same Rej I used to know."

His Story To Tell (R-18)Where stories live. Discover now