HSTT - 63

4.7K 191 127
                                    

Gaya nang sabi ni Ryoga kahapon kay Ivan, ay bibili nga sila ng mga toys ngayon. I would go with them. Hindi tuloy ako mapakali habang nag iisip ng plano kung paano kami makakatakas ni Ivan mamaya. Sa tagal kong nakakulong dito sa mansion niya ay ngayon lamang ako makakalabas. We're going to the mall.



"Tapos na kayo?"

I looked at Ryoga who is at the door when he spoke. He's wearing his usual get up. Black pants, white t-shirt, converse and his cap.

"Wait nalang po, Uncle." Sagot ni Ivan sakaniya at binaling ko ulit ang paningin ko kay Ivan.

I fixed his hair and put a little powder on his face. Nag spray din ako ng baby cologne niya and I smiled when I'm done.

"Ang gwapo naman ng anak ko." Pamumuri ko sakaniya and I pouted my lips, sign that I want a kiss. He kissed my lips and I smiled brighter.

"Mana po sa inyo, Mommy."

"Feeling ko mana ka sa Daddy mo." Singit ng isang gago na nag ngangalang Ryoga.

Nawala ang ngiti ko dahil doon at sinaman siya ng tingin. Tinaasan niya lang ako ng kilay. Kapal talaga ng mukha niya. Gusto niya sakaniya pa magmana ang anak ko? Mukha niya!

"E wala naman po akong daddy e." Malungkot na sabi ni Ivan.

I looked at him and he looks sad. Bakit kasi kailangan pang sabihin ni Ryoga 'yon? Nananandya ba siya?

"Alis na tayo? Punta na tayo ng mall." Aya ni Ryoga at biglang naging masaya si Ivan.

"Yes po! Tara na po!"

Tumakbo siya papalapit kay Ryoga at hinawakan nito ang kamay niya. Kinuha ko ang bag na maliit ni Ivan at binitbit ito at sumunod sakanila.

Heto na nga. Paalis na kami. Ano nang gagawin ko ngayon? Wala pa rin akong naiisip na plano.





Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang nasa loob na kami ng sasakyan. Ryoga is the one who is driving at mukha siyang driver namin, dahil nasa passenger seat kaming dalawa ni Ivan. Walang nakaupo sa front seat dahil una sa lahat ayaw ko siyang katabi at gusto kong katabi si Ivan. 

I looked at the window and it want me to jump out of the car. Nakikita ko na ang mga bahay bahay na hindi ko nakita sa loob ng ilang linggo.

"Excited na 'ko, Mommy! This is the first time na magpupunta po tayo ulit ng Mall." Masayang sabi ni Ivan sa tabi ko and I hugged him.

"I'm so excited too, baby."

I feel excited because this would be the perfect time to escape. Ang kagandahan pa rito ay kasama ko ang anak ko. Dalawa kaming makaka alis sa poder niya. I looked at Ryoga's reflection in front of the mirror. Seryoso lang siyang nakatitig sa daan habang nakangiti. Okay, weird.





Huminto ang sasakyan sa parking lot ng Mall. Pinatay ni Ryoga ang makina atsaka siya lumabas ng sasakyan. Sumunod ako at inalalayan niyang lumabas si Ivan. He carried him immediately and wrapped in his arms.


"Palakarin mo siya. Ibaba mo." I said but he just laughed at me.

"I can carry him and I want to carry him." Pag bibigay diin niya.

"Why? Just let him walk by himself. Paano niya maeenjoy ang mall?" Tanong ko.


Inirapan niya ako atsaka niya binaba si Ivan. Hinawakan nito agad ang kamay niya. I looked how is he holding him at napakunot ang noo ko nang makitang hawak na hawak niya ito. Na para bang sinisiguro niya na hindi niya mabibitawan ang bata.

His Story To Tell (R-18)Where stories live. Discover now