HSTT - 69

4K 186 64
                                    

🖤🖤🖤

Rej my baby ❤️

Please don't ever message me unless I called. Kuya is checking my phone. He's doubting again.



I took a deep breathe when I read her message. Humiga ako sa sofa at hinagis ko sa lamesa ang cellphone ko. Hindi ko rin naman 'yan magagamit. Hindi ko naman siya makakatext. Siya lang ang gusto kong katextmate.

"Ritsumi." Tawag ko sa kapatid ko nang lumabas ito ng kwarto niya at bihis na bihis. Siguro makikipagkita nanaman 'to kay Luther at maglalandi.

"Why?" She asked at umupo ako sa sofa.

"Kinausap ni Dad si Raine no?"

"Oo. Sinabihan niya siya tungkol sa inyong dalawa ni Reginy. Umamin ka nalang. Magkaka alaman na rin naman bukas."

"Bukas?"

"It's Dad birthday, duh? They are all invited. Humanda ka na dahil baka katapusan niyo na ni Reginy." She said and she went out.

"Kayo kaya ni Luther ang tapusin ko?!" Sigaw ko.

Naikuyom ko ang mga kamao ko sa inis at gusto kong ibuhos lahat ng galit na meron ako sa mundo. I tried to calm myself and took a deep breathe. Hindi ko dapat maramdaman 'to. I'm Ryoga, right? I got this. But hell, I almost forgot my father's birthday.


I found myself going in the park that night. Dahil kahit kaunti ay nakakaramdam ako ng kaba. Kinakabahan na natatakot ako sa magiging reaksyon ni Raine. I saw the chairman of the subdivision and talked to him.

"Boss." Tawag ko sakaniya.

"Ano 'yon?"

"I saw this one. Pwedeng mag apply?"

Pinakita ko sakaniya ang papel na may nakasulat na Wanted: Tagawalis.

"Ikaw ang mag a-apply?"

"Opo."

"Sigurado ka?" Tanong niya and he looked me from head to toe. Nasanay na ako na ganito ako tignan ng mga pinapasukan kong trabaho. Masyado akong gwapo e. Small things!

"Sigurado ako."

Nang makumbinsi ko na siya ay binigyan niya ako ng umiporme. Nag umpisa akong mag walis at habang ginagawa 'yon ay iniimagine ko na isa lamang akong normal na tao. Na hindi ako si Ryoga Sibal na anak ni Ryutaka Sibal.

Everyone thinks that I am one of the bests but I am not. I hate myself. I hate being Ryoga. I hate being Sibal, and I hate my identity. Kung may isa man akong hihilingin ngayon sa buhay ko, 'yon ay sana hindi nalang ako si Ryoga.

Bakit?

Kung hindi ako si Ryoga, baka natakasan ko na kung anong problemang meron ako ngayon. Hindi ko pinagdaanan lahat nang pasakit sa buhay ko simula noon. Wala sana akong masalimoot na nakaraan. Hindi sana ako naging biktima nang mapaglarong tadhana. Hindi sana ako aayawan ng mga taong malalapit sa amin ni Reginy. Malaya ko sana siyang maipagmamalaki sa lahat.

Laging kong ginagawa ang mga trabaho na ginagawa ng mga normal na tao, hindi dahil trip ko lang. Kung 'di dahil gusto kong makalimutan pansamantala kung sino talaga ako. Gusto kong makalimutan na ako si Ryoga na kalahating baliw.





I didn't expect that I would see her in the park. It got me worried when I saw her teary eyes. Mukhang galing siya sa pag iyak at hindi nga ako nagkamali. Nagkasagutan sila ng Kuya niya because of the fact that he is doubting. I can feel na malapit na talaga kaming mabisto sa sikretong tinatago namin.

His Story To Tell (R-18)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz