HSTT - 52

4.5K 190 130
                                    

🖤🖤🖤

Hindi mawala sa isip ko ang pagtawag sa akin ni Kuya Ryoga kagabi. Ni hindi ako nakatulog nang maayos dahil don. Hindi ko rin maintindihan kung anong nararamdaman ko. Parang naninikip ang dibdib ko habang iniisip ang paguwi niya.

Parang nakakaramdam ako ng betrayal, excitement, pain, at takot. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi ko rin alam kung tama ba 'to.




"Ayos ka lang?" Tanong sa akin ni Axel at tumabi ito sa akin.

"Oo." Tipid na sagot ko.

"Nga pala, malapit na ang ball natin." Tinignan ko siya at nakangiti ito habang titig na titig sa akin.

"Kailan na nga 'yon?"

"Next Friday."

"Ah." Tumatango na sabi ko.

Hindi ko napansin na next week na pala 'yon. Wala na rin naman kasi akong dapat iintindihin pa dahil may gown naman na akong susuotin. All is well na. Ang poproblemahin ko nalang is make up artist. Siguro aayain ko nalang si Leinah na sa amin nalang siya magpa ayos para iisa nalang ang make up artist namin at sabay kaming pupunta ng ball.




"Rej." Tawag niya sa ulit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at napatingin ako ron.

"Bakit?" I asked and I looked at him.

"Ako pa rin naman ang partner mo, 'di ba?"

"Huh? Partner?"

"Oo. 'Di ba inaya na kita noon at pumayag ka naman." Nahihiya na sabi niya.

Pilit kong kinalkal sa isipan ko ang pagaaya niya sa akin pero wala akong matandaan. Binubudol yata ako nito e?

"Wala akong maalala." I said and I kept on thinking.

"W-wala ba? Baka sa panaginip kita nayaya." Nahihiya ulit na sabi niya at inalis niya ang pagkaka hawak niya sa akin.

Kinamot niya ang ulo niya atsaka siya nag iwas ng tingin. Natawa na lamang ako sa reaksyon niya binigay niya.

"Hey." I said at hinarap ko ang mukha niya sa akin. "I'll be your date." Naka ngiti na sabi ko.

"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Yep. Duh? Ikaw na 'yan, Axel. Choosy pa ba ako?"

"Thank you!" Masayang sabi niya and I was surprised when he suddenly kissed me on my cheeks.

"Hoy! Ano 'yan?! Bakit may kiss?!"

Napalingon ako dahil sa sigaw ni Luther na kakapasok lamang ng classroom. Namula ang mukha ko at bigla akong nakaramdam ng hiya dahil doon.

God, he just saw us. Nakakahiya!

"Wala!" Sagot ni Axel at tumayo ito mula sa pagkakaupo niya.

Inakbayan niya si Luther atsaka sila lumabas ng classroom. Nakahinga ako nang maluwag dahil wala na sila. Hinawakan ko ang pisngi ko na hinalikan ni Axel at napangiti ako.

Kainis! Kiniss ako ng crush ko! Jusko! Totoo ba 'to? Nanaginip na ako?! Kaloka! Sana all kinikiss ng crush! Yiiiee!

My smile slowly faded aways when my phone vibrated. I've just received a message from an unregistered number.

"Sino nanaman 'to?" Tanong ko sa sarili ko at inopen ang message.


+639*********

Letting someone to kiss you on the cheeks? The fuck?




Mabilis akong napalingon sa buong classroom at bigla akong kinabahan. Gosh! Sino 'to?! Iilan lang kaming nandito ng mga kaklase ko at magkakalayo pa kami. May nanloloko ba sa akin? Si Leinah ba 'to?! Baka pinagtitripan niya ako!

His Story To Tell (R-18)Where stories live. Discover now