HSTT - 14

7.4K 190 27
                                    

🖤🖤🖤

Kanina pa ako naka tunganga sa may kisame at wala na akong katabi. Napa upo ako sa may kama at inalala ang lahat nang nangyari kahapon lalo na 'yung kagabi. Shit! Sinampal ko ang sarili ko dahil doon.

"Panaginip lang ba 'yon? Sana panaginip na lamang!" Pangungumbinsi ko sa sarili ko.

Bigla akong nakonsensya para kay Kuya Raine pero anong magagawa ko? Nadala ako ng bugso ng damdamin ko! Nang init ang katawan ko.

"Manyak ba 'ko?" Tanong ko sa sarili ko. Sinampal ko ulit ang mukha ko dahil sa napaka walang kwentang tanong ko.

Tinatanong pa ba kasi 'yon?! Malamang oo! Bibigay ka ba at papatulan mo ang bestfriend ng Kuya mo kung hindi. Tanginaaaa! Wala na akong bahid ng alak. So wala na akong pwedeng idahilan pa na, "I was drunk" na line. Hayup!

Pero anong sasabihin ko sakaniya? Paano ko siya haharapin?! Letse talaga! Kinakabahan ako dahil alam ko na aasarin din ako nun. Malamang tuwang tuwa na siguro ang animal na 'yun because finally he got what he wanted!

Tumayo na ako sa may higaan ko at dumiretso sa may CR. I brushed my teeth at nag hilamos na rin ako atsaka lumabas ulit.

May pasok ngayon pero hindi pa rin ako papasok. Hanggang kailan kaya ako mag i stay dito? Napaka oa naman kasi ng kapatid ko. Ano kayang palagay niya sa akin? Sanggol na alagain?! Sobrang pag bi baby ang ginagawa niya. Hindi niya alam lumalandi na ako sa kaibigan niya.

Pero nakokonsensya talaga ako. Bulong ko sa isip ko. Pero anong magagawa ko? Bakit kasi napaka gwapo at galing ng hayop na Kuya Ryoga na 'yun! Naiinis ako sakaniya! Kasalanan niya lahat ng  'to. Kung hindi siya manyak, kung hindi niya ako inakit, hindi sana mangyayari 'to! Huhu.

Lumabas na ako ng kwarto dahil naka ramdam ako ng gutom. Dumiretso ako sa may kusina at sakto namang may pagkain ng nakahapag ulit roon. Buhay prinsesa talaga ako sa tatlong pugo na 'yun.

Teka nga, kailan kaya balik ni Manang Aryan dito? Sana bumalik na siya. Para namang buong araw ay masasarap na pagkain ang kinakain ko. Pero masarap din naman ang mga foods dito lalo na kapag si Kuya Luke ang nag luto.

Umupo na ako sa may table at nag umpisa na akong kumain. Ako lang ba mag isa ngayon ulit dito? Bakit mukhang walang mga tao?

Binilisan ko na lamang kumain at uminom ng gamot. Akmang babalik na sana ako ng kwarto nang maka rinig ako ng ingay at nag tatawanan sa may back garden.


"Sila Kuya ba 'yun?" Tanong ko at nag lakad ako papuntang likod.

I immediately saw Kuya Luke drinking at kasama niya sina Kuya Raine at Kuya Ryoga. Napa tingin ako sa may relo ko at tae! 10:25 palang ng umaga tapos nag iinom na sila?!

Napa kunot ang noo ko when Kuya Ryoga stood up on the table at sumayaw ito.

"What the fuck?" Mura ko dahil para siyang abnormal na sumasayaw doon.

Tawa naman ng tawa sila Kuya Luke at Kuya Raine. Ginagawa ba nilang mulala si Kuya Ryoga? Pero tangina. Ang galing niyang sumayaw. Ang sexy putek!

Videohan ko kaya? Remembrance din 'to. I took out my phone on my pocket and I started to take a video. Hindi ko maiwasang matawa dahil para siyang macho dancer na high class sa club. Hot and sexy macho dancer! Ito na ba ang pokpok dance na sinasabi niya?



"Baby!" Sigaw niya sa akin at muntik ko ng mabitawan ang cellphone ko sa gulat. "Come here!" He said at napa tingin si Kuya Luke at Kuya Raine sa akin.

Tumakbo siya papunta sa akin at hinila nito ang kamay ko. What the hell?

"Hey, bitawan mo ang kamay ko."

His Story To Tell (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon