HSTT - 42

4.6K 183 46
                                    

🖤🖤🖤

The four of us now are at the back gate waiting for Kuya Ryoga. Dito kami sa back gate nagpa sundo dahil baka may makakita sa amin sa harap. Mas maiging dito na lang atleast dito kakaunti lamang ang mga studyante na lumalabas.

"Saan pala tayo pupunta?" Tanong ni Luther habang naka upo siya sa guard post.

"Walang sinabi si Kuya Ryoga e. Ang sabi niya lang susunduin niya tayo." Sagot ni Lei.

Tumunganga kaming apat sa guard post at hindi ko maiwasang ma excite. Magkahalong galak at takot ang nararamdaman ko.

Galak dahil magkikita na kami ulit at takot dahil baka mabuko nanaman kami at madamay pa ang dalawang taga bantay ko.

A black car stopped in front of us. Napa tingin kaming apat doon. I stood up and the window went down.


"K-Kuya Luke." Kinakabahan na sabi ni Luther at napalunok ako nang makita ang mukha niya.

"B-bakit nandito si Kuya Luke?" Bulong sa akin ni Lei na habang nakakapit ito sa akin. Mukhang pati siya ay nagulat.

"What are the four of you doing here?" He asked us at nagkatinginan kami sa isa't isa.

"Ah, wala Kuya. Pauwi na kami. Walang pasok e." Sagot ni Luther.

Kuya Luke just looked at us one by one. My heart is pounding so fast of too much nervous.


"Get in. Ihahatid ko na kayong apat."

"Tara na." Aya sa amin ni Luther at pumasok na kami sa loob.

Luther sat in front habang magkaka tabi kami ni Axel at Lei dito sa back seat. Magkahawak kamay kami ni Lei at pasimple niyang pinakita sa akin ang cellphone niya. I looked down and I saw that she is typing a message on her phone.




+639*********

Cancel ang meet up. Sinundo kami ni Kuya Luke.



She sent the message to Kuya Ryoga's number at tinago niya na ang phone niya. Tumitig na lamang ako sa bintana. Meron pa namang bukas 'di ba? Meron pa namang next time para magkita kami ulit.


"Gusto niyo ba munang kumain sa mall?" Kuya Luke asked.

Hindi ako sumagot dahil busog pa naman ako at wala akong ganang mag stay sa mall.


"Okay lang." Luther answered.

"Me too." Axel answered too.

"G lang ako, Kuya!" Lei answered happily.

"What about you, Rej?" Tanong sa akin ni Kuya Luke. "Gusto mo bang mag mall muna?"

"O-okay lang." Sagot ko.

Tutal lahat naman sila nag oo na, magiging kj naman ako kung hihindi ako.




Dumiretso kaming lima sa mall. Katabi ko si Leinah habang lalakad at nasa unahan namin si Kuya Luke na siyang sinusundan namin. Axel and Luther are on the other side and they are talking. They have their own business. Para tuloy kaming hindi magkaka kilala.


"Bes, ba't kaya nandon si Kuya Luke ano? Sayang naman." Bulong sa akin ni Lei at pinanlakihan ko siya ng mata. Baka mamaya marinig kami ni Kuya Luke.

"Huwag ka ngang maingay. Marinig ka niyan e." Bulong ko pabalik. Malakas pamandin pandinig niyan.

Hindi niya dapat malaman na binabalak naming makipagkita. Malamang sa malamang ay magagalit 'yan at baka isumbong niya pa ako kay Kuya Raine. Panibagong gulo nanaman 'yon 'pag nagkataon.

His Story To Tell (R-18)Where stories live. Discover now