HSTT - 61

4.5K 222 101
                                    

Hindi ko na alam kung ilang oras na ba akong nakatulala rito sa garden. Tinatanaw ko ang mga bulaklak na sobrang ganda. It makes me calm just by staring them. It gives me comfort. I smiled when I remember my Mom who really loves flower. She loves taking care of them and I was always helping her in our garden. 

Unti unting nawala ang ngiti sa labi ko at napalitan ito ng lungkot, when I remembered someone again who loves flowers too.

Alam kong malaki ang kasalanan ko sakaniya. Sobrang laki na hindi ko alam kung paano ako babawi sakaniya kapag nagkita kami ulit. Iniwan ko siya at hindi ko alam kung kailan ko ba siya mababalikan at makukuha ulit.

"Rej."

I wiped my tears when I heard Ritsumi's voice behind my back. Tumayo ako atsaka ko siya hinarap. I was surprised to see her wearing formal clothes with her bag. Aalis na ba siya?

"What?" I asked.

"Magpapaalam na ako. Aalis na ako."

Lumapit ako sakaniya at hinawakan ko agad ang mga kamay niya. Umiwas siya ng tingin sa akin at hindi nakawala sa paningin ko ang pagirap niya.

"Sasama ako. Isama mo 'ko." I said, trying my luck again. Baka ngayon pumayag na siya. Baka naaawa na siya ngayon at isama niya na ako.

"Still no, Reginy."

"Sumi, please. Nagmamakaawa na ako. Isama mo na ako habang pwede pa. Habang natutulog pa siya sa taas. Pwedeng pwede natin siyang takasan. Ihatid mo 'ko kay Kuya Red." 

Alam kong once na makasama ko si Kuya Red ay pwede na ulit akong makawala sakaniya. Pwede na ulit akong magtago. Si Kuya Red lang naman ang kailangan ko at gawing armas laban kay Ryoga.

"Hindi, Rej. Ayusin niyo muna ang relasyon niyo ni Ryoga bago mo siya iwanan."

"Relasyon? Wala ng magandang relasyon ang namamagitan sa aming dalawa. He ruined everything. The friendship, the trust. Lahat! Wala na kaming dapat ayusin pa."

I almost cried remembering everything. How closed we were before then everything got fucked up. Masakit pa rin sa akin ang lahat at pakiramdam ko, hinding hindi na mawawala sa akin ang sakit. Betrayal is the most painful thing for me.

"Meron. Sapalagay mo ba ikukulong ka niya rito nang walang dahilan?"

"Dahilan? Malamang ang dahilan niya ay ang ikulong lang ako rito kasama siya! Baka nga gawin niya pa ulit sa akin kung anong ginawa niya noon e! Gusto mo bang mangyari 'yon? Ritsumi, I can't. Ayoko na."

Araw araw kada magigising ako at nandirito siya ay damang dama ko ang takot sa puso ko. Takot na ulitin niya kung anong ginawa niya noon. If he's still the same person six years ago, he can do it again.

"Hindi mo ba naiisip na nasa peligro ako habang kasama siya? My life's in danger!"

Binitawan niya ang mga kamay ko at binitbit ang bag niya. She smiled at me and I feel so down with that smile.

"I'm sorry, Rej. Kahit gustuhin ko mang isama ka kung saan ako pupunta ay hindi pwede."

"Hindi na ba magbabago ang desisyon mo?"

"Hindi na. Kahit anong gawin mong pagmamakaawa, I won't help you. Mauna na 'ko. Malamang nag hihintay na sa akin ang alaga ko."

Alaga? Sinong alaga? Aso ba?

"Nga pala, if you have some time please take a look of this."

May kinuha siya sa sling bag niya at inabot niya ito sa akin. It's a usb.

His Story To Tell (R-18)Where stories live. Discover now