HSTT - 4

7.9K 217 13
                                    

🖤🖤🖤

Dumiretso na ako sa kusina at nandoon na si Kuya Ryoga habang nag lalagay ng kanin sa mga plato namin. Umupo na ako sa may harapan niya at inabot niya sa akin ang plato ko.

"Hindi ba natin sila gigisingin, Kuya?"

"Sapalagay mo magigising mo pa ang mga mahihinang nilalang na 'yon? Bukas na ang gising ng mga 'yan. Hayaan mo na silang managinip at mag wet dreams."

"Ang bastos mo talaga."

"Hindi ka pa nasanay. Kumain ka na nga. Kainin kita riyan e."

Nag umpisa naman na kaming kumain. Infairness sa adobo niya ang sarap. Pero mas masarap pa rin ang luto ni Kuya Luke kaysa sakaniya. The best ang luto ni Kuya Luke as in!

"Kuya, ikaw ba? Wala ka bang nagugustuhan? Kasi si Kuya Luke meron. Tapos si Kuya Raine sabi mo 'yung ex niya. Ikaw wala?" Pag o open up ko sakaniya.

Napa hinto naman siya sa pag subo ng kanin at sumeryoso ang mukha nito. Tinignan niya ako at parang natakot ako bigla sa way ng pag titig niya sa akin. What the hell?

"Wala no? Sige na. Kain ka lang diyan. Hehe."

Na offend ko ba siya? Kumain na lamang ako at hindi ko nalang siya pinansin. Subo lang ako ng subo pero ramdam ko na naka titig lang siya sa akin.

Sinulyapan ko ulit siya at ngumiti ako sakaniya. Shet! Napano siya? Nag tatanong lang naman ako e! Masama bang mag tanong?

"Kain ka na. Ayaw mo na?"

"Wala akong gusto, Rej." He said coldly at halos kilabutan ako sa boses niya.

Naramdaman ko ang kamay niya sa may hita ko at napa tingin ako ron. What the hell?

"Gusto mo ikaw nalang?" Inilapit niya ang mukha niya sa akin at mabilis kong itinutok ang tinidor sakaniya.

"Huwag ako!" Tumawa si gago at napa hinga ako ng malalim.

Nasa may hita ko pa rin ang kamay niya at kahit tumatawa siya ay nararamdaman ko ang unti unting pag higpit ng hawak niya sa akin doon. Sinamaan ko siya ng tingin nang unti unti na rin itong tumataas.

"Kuya Ryoga, huwag mo akong idaan sa pa tawa tawa mo. Yung kamay mo." Hinampas ko ang braso niya at pinag susuntok ko siya. Panay pa rin ang tawa nito kahit wala namang nakaka tawa. Hindi ko talaga siya maintindihan minsan.

"Akala ko hindi mo napapansin e." Inirapan ko nalamang siya at ipinag patuloy ko ang pagkain ko. Binilisan ko na lamang para maka alis na ako rito.

Nang matapos ako ay mabilis akong tumayo at nilagay ko sa may lababo ang pinggan ko.

"Tapos ka na?"

"Oo. Akyat na ako sa kwarto ko. Thank you!" I said at mabilis na nag lakad at umakyat sa taas.

Nang maka rating ako sa kwarto ko ay nagpa hinga muna ako ng ten minutes atsaka na ako nag shower. Lumabas ako ng CR nang matapos na ako at humiga sa kama ko. Binuksan ko ang TV atsaka ko kinuha ang mga notes ko. Makapag basa na nga lang at review. Baka mamaya magpa exam mga teachers namin at magpa surprise test. Pwes, hindi nila ako masusurprise dahil ready ako!

Nilakasan ko ang TV ko rito sa kwarto. Mas nakakapag review kasi ako nang maayos kapag may naririnig akong ingay. Kung ang iba ay kailangan ng quiet place, ako naman ay baliktad. I need a noisy place para makapag focus. Ayaw na ayaw ko kasi sa matatahimik na lugar. That's why I don't usually go in the library.

Nag review na lamang ako nang nag review hanggang sa maramdaman ko ang pag bagsak ng mga mata ko. Nakakaramdam na ako ng antok at napa tingin ako sa may side table ko to check the time.

His Story To Tell (R-18)Where stories live. Discover now