HSTT - 67

4.9K 206 74
                                    

🖤🖤🖤

"N-no. Stop it! Don't do it to her! Stop!" I shouted and woke up from my dream. Hinahabol ko ang hininga ko at napahawak ako sa dibdib ko dahil sa paninikip non.

"Napano ka?" Inaantok na tanong ni Brandon.

Tumayo siya at inabutan ako ng tubig na agad kong ininom at inubos. Pinunasan ko ang luha na nasa mga mata ko at napasabunot ako sa buhok ko.

"Napanaginipan mo nanaman ba?" Tanong niya at tumango ako.

"Magiging totoo ba talaga 'yang panaginip mo?"

I took a deep breathe and I lay down on the bed  again. Tinalukbong ko ang kumot sa akin at tahimik na nag isip.

"Lahat ng napapanaginipan mo nagiging totoo. Hindi ba pwedeng kahit 'yan lang ay huwag mangyari?"

"Brandon, what will I do if it happens? What would I do if Yoshikawa does it to her?"


In my dream, I always see myself forcing Reginy. Sinasaktan ko siya sa panaginip ko at pa ulit ulit na binababoy. Inuutusan na gawin ang mga bagay na ayaw niya. She was begging and I didn't have mercy on her. All of the things that happen in my dreams come true and that scared me.


"Hindi ko rin alam, man. Syotain mo kaya?"

"Ano? Bakit ko naman gagawin 'yon? Gusto mong pinatay ako ni Raine?"


Raine already talked to me that no matter what happens, hindi ko dapat landiin ang kapatid niya. Exempted dapat si Reginy sa pagiging babaero ko. Ayaw niya sa akin hindi dahil sa pagiging malandi ko, kung 'di dahil sa pagkatao ko at nakaraan namin. Natatakot siya na baka kung ano ang mangyari kay Reginy. Lalo na't wala siyang alam sa pagkatao namin at kung anong nangyari noon. We hid everything to her.

"Suggestion ko lang naman. Paano kung naging syota mo si Reginy, tapos may nangyari sa inyo, edi parang natupad na rin ang gusto ni Yoshikawa? Ang pinagkaiba nga lang pareho niyong ginusto. Walang pilitan na nangyari."

"Gago ka ba? Gusto mong syotain ko 'yung tao tapos gagalawin ko? Gago ka."

"Oh, sorry na. Suggestion nga lang 'di ba?!"

"Manahimik ka nalang. Suntukin ko mukha mo e."

"Teka, 'diba may gusto naman sa'yo 'yun dati? Noong bata pa siya?"

"Yeah. I even made a promise to her pero limot niya na 'yon."

"Gawin mo kaya 'yung promise?"

"Tangina mo. Kokotongan na kita e. Matulog ka na nga ulit."




Buong gabi kong inisip ang sinabi sa akin ni Brandon. Hindi mawala sa isipan ko ang suggestion niyang syotain ko si Reginy. Baliw na ba ako para makaramdam ng excitement tungkol don? May parte sa akin na gustong gawin ang pangako na sinabi ko sakaniya noon.


"Hoy, Luther."

"Bakit?"

"Tinutupad mo ba ang mga pangakong sinasabi mo sa isang tao?"

"Anong klaseng tanong 'yan?"

"Sumagot ka nalang."

"Hindi. Nagbabago ang isip ng taong nangako. Minsan mangangako tayo sa isang tao dahil masaya lang tayo, malungkot, o pampalubag loob pero kapag iba na ang emosyon natin at pananaw, darating sa punto na ayaw mo ng gawin ang pangakong 'yun."

"Pinapako mo pala ang mga pangako mo ha."

"Hindi ako perpektong tao. Pero kung mahalaga sa'yo 'yung tao at kaya mopang gawin ang pangakong 'yun edi gawin mo."

His Story To Tell (R-18)Where stories live. Discover now