HSTT - 31

7K 204 59
                                    

🖤🖤🖤🚨

It's already 1 AM at kanina pa ako nag hihintay sakaniyang bumalik dito sa kwarto namin pero wala pa rin siya. Nailigpit ko na lahat ng mga bote na sana ay iinumin namin at mga pulutan na sana ay kakainin namin sa baba pero wala pa rin siya.

Sinuot ko ang jacket ko at napag pasyahan kong lumabas na ng kwarto namin para tawagin siya at ayain pumasok. Kanina pa siya ron at mapupuyat ako kung hihintayin ko siya.

I walked down the stairs and I saw Ritsumi in the living room habang umiinom ng bottled water. Napatingin siya sa akin at huminto sa pag inom ng tubig. Ba't hindi pa siya natutulog? Lumapit ako sakaniya at nag iwas siya ng tingin.




"Ba't hindi ka pa natutulog?" I asked.

"Ikaw? Ba't hindi ka pa natutulog?" She asked back.

"Hinihintay ko ang kuya mo." I answered and she is looking at me now.

"I know you heard what I and Kuya Red's conversation. Did you tell about it to my brother Ryoga?"

"H-huh? Hindi. W-wala akong sinasabi sakaniya." Sagot ko.

Nakinig lang naman ako sakanila at wala naman akong balak na mang himasok sa mga usaping pampamilya.

"Okay. Huwag mo nalang sana sasabihin kay Raine at Luke ang nangyari kanina lalong lalo na kay Luther. Kung ano mang nakita mo at narinig mo, sa'yo nalang 'yun."

Hindi nalang ako sumagot. I decided to just walk away but she stopped me by grabbing my hand.

"Hayaan mo muna siya. Bumalik ka na sa kwarto niyo."

"Bakit?"

"Basta bumalik ka na ron." She pushed me hanggang sa umabot kami sa may hagdanan.

"Ano bang meron sa inyo?"

"Wala ka na dun. Umakyat ka na sa kwarto niyo. Matulog ka na."



Tinalikuran niya ako at wala na akong nagawa kung 'di ang umakyat sa taas dahil nakita ko siyang umupo ulit sa sofa. I don't know kung hinihintay niya ba ang Kuya niya na dumating o binabantayan niya akong huwag lumabas.

Bumalik ako sa kwarto namin ni Kuya Ryoga at humiga ako sa kama. I wrapped my body with the comforter at tumitig ako sa kisame.


We went here para mag saya pero nagka hidwaan pa silang mag kapatid. Hindi naman sa ayaw kong nandirito si Ritsumi, but I think this vacation would be better if kami nalang dalawa. Nag beach naman kami before na kaming dalawa lang and it went out fine naman.


Bumukas ang pinto ng kwarto at napa upo ako sa kama nang makitang si Kuya Ryoga na 'yon. Buti naman at naisipan niya ng bumalik. Tumalon siya padapa sa kama namin atsaka niya ipinikit ang mga mata niya.

"Huy, okay ka lang?" Tanong ko sakaniya at nag mulat siya ng mga mata.

"Oo. Huwag mo nang isipin ang nangyari kanina. Normal lang 'yun sa magkakapatid."

Normal? Normal ba 'yun? Normal ang magka sagutan, mag away at magka iringan sa magkakapatid, but the way he and Ritsumi reacted a while ago? That's not normal. It's too far a way from the word normal!


"B-bakit kailangan lumuhod ni Ritsumi sa harapan mo?"

"Let's not talk about it baby."

"Why?"

"Just please." He said and he reached for my hand.

"Ang dami mong sikreto, Ryoga. Ang dami kong hindi alam sa'yo." Pikon na sabi ko.


His Story To Tell (R-18)Where stories live. Discover now