HSTT - 3

9K 212 33
                                    

Hindi ako lumabas ng kwarto at nanatili nalang ako roon. Gugutumin ko nalang ang sarili ko kaysa naman makasama kong kumain ang demonyo na 'yon. Hindi ko yata maatim na pakisamahan siya lalo na sa harapan pa ng pagkain. Baka kung ano pang magawa ko.

May kumatok sa pinto ng kwarto kung nasaan ako at bumukas ito. May isang babae ang pumasok at napa titig ako sakaniya.

Wait...

"M-Manang Aryan?" Tawag ko sakaniya nang mamukhaan ko ito. Unti unti namang bumagsak ang mga luha sa mata ko. Itinabi niya sa may mesa ang tray na hawak hawak niya.

"Kamusta ka Rej iha?" She asked me while smiling at me. Napatayo na ako mula sa kama at mabilis akong tumakbo papunta sakaniya. I hugged her immediately and she patted my head.

"Ang laki laki mo na. Parang kailan lang noong huling kita natin ah." Her voice cracked at alam kong naiiyak na rin siya. Inilayo niya ako mula sakaniya at pinunasan niya ang mukha ko. Sinuklay niya ang buhok ko gamit ang mga daliri niya like what she always did before.

"M-manang... Manang si R-Ryoga po."

"Ssshh. Alam ko Rej. A-alam ko. Pasensya ka na ha? Wala akong magawa para tulungan ka. Pasensya ka na rin k-kung wala akong n-nagawa noon." Bumagsak na ang mga luha sa mata niya at umiiyak na rin ito.

"Manang, tulungan mo ako ngayon. Tulungan mo akong makatakas ngayon sakaniya. Please po. Nagmamaka awa ako, Manang Aryan. Kahit ngayon mo nalang ako tulungan." Hinawakan ko ang mga kamay ni Manang para makumbinsi siyang tulungan ako.

Nawalan naman ako ng pag asa nang umiling iling ito sa akin.

"P-please, Manang. Tulungan niyo po ako."

"Iha, gusto man kitang tulungan pero kilala mo si Ryoga. Nag babalak palang tayo alam niya na agad kung ano ang binabalak natin."

Napa salampak naman ako sa may sahig at umiyak nalang ako dahil alam kong wala na akong takas. Wala na akong kawala sakaniya ngayon.

"Iha, maayos din ang lahat. Sa ngayon, huwag mong pabayaan ang sarili mo. Huwag mong hayaang mang hina ka dahil alam mong bawal sa'yo yun. Kumain ka. Nandito na rin ang mga gamot na kailangan mong inumin. T-tara na." Inalalayan akong tumayo ni Manang at iniupo niya ako sa may chair na nandito sa may mesa.

If you're going to ask me who is she, well she is Ryoga's Manang. Siya ang kasama nito sa bahay kaya alam niya ang tungkol kay Ryoga. Sa pagkaka alam ko ay dalaga palang ito nang mag umpisang manilbihan sa pamilya nila. Naging close kami ni Manang Aryan noon dahil madalas akong padalhan ni Ryoga ng pagkain sa school at siya ang nag hahatid nito sa akin.

Bigla naman akong natawa dahil parang naulit lang ang nangyari noon. Pero sa magka ibang sitwasyon nga lang ngayon.




🖤🖤🖤

Hindi umuwi si Kuya Ryoga nang gabing 'yon at natulog lang siya hanggang kinabukasan sa may kwarto ko. Nagalit pa sa akin si Kuya nang sabihin kong mag hapon itong natulog mag isa sa kwarto ko. Hindi ko maintindihan kung anong ikinakagalit niya doon. Hindi ba dapat mas magalit siya dahil natutulog ang kaibigan niyang lalaki sa kwarto ko? Babae ako. Lalaki si Kuya Ryoga. He should be mad as fuck! Pero hindi, nagalit siya dahil iniwan ko raw itong mag isa.

Hindi ba siya pwedeng matulog nang walang kasama? So ang ending, Kuya slept in my room together with Kuya Ryoga. Samantalang ako naman ay natulog sa kwarto niya. Ang weird talaga nila.

Dumiretso nalang ako sa may classroom ko kaysa isipin ang friendship nila na hindi ko maintindihan kung bakit ganon. Minsan, si Kuya rin ay parang hindi ko na kilala dahil sa inaakto niya. Silang tatlo nila Kuya Luke. They are all mysterious. Kapag naman mag tatanong ako sakanila ay hindi nila ako sinasagot man lang. Bahala nga sila. Matatanda na sila kaya alam na nila ang ginagawa nila. Ako 'tong bata pero ako 'tong na stress.

His Story To Tell (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon