HSTT - 83

4.3K 193 109
                                    

🖤🖤🖤

Yoshikawa's POV

"So kailan natin gagawin ang plano mo?" Nakangiti na tanong ko sa kapatid ko habang magkaharap kaming dalawa.

"Kapag uuwi ka na ng Pilipinas. Tayong dalawa I mean."

"Tapos?"

"We'll meet her and do the plan eventually." Seryosong sabi niya na nagpangiti lalo sa akin.

This man. I still can't believe how he ended up with a plan like this. Like, wtf? We're all brothers but he has this kind of plan to destroy Ryoga and Rej? Nakakatawa siya.

"Do you think your plan will be successful?"

"Of course. I was the one who helped her forget when she was young. I was also the one who erased her memory for the second time. I can control her. Kahit ano pang gawin ni Ryoga na pagpapaalala tungkol sakanila, hindi niya na magagawa. Dahil ako lang ang may kakayahan ngayon na gawin 'yon."

Siya ang tumulong kay Reginy noong bata pa siya. I scared the hell out of her and she was traumatized by the things that I was doing to her. She was really scared of Ryoga. Noong pangalawang pagkakataon naman ay sinadya talaga ni Red na hindi tuluyang alisin ang memorya niya tungkol kay Ryoga. Why? Because it is part of the plan too. Paano niya masisira si Ryoga kay Reginy kung makakalimutan niya ito ng buong buo?

"Bilib talaga ako sa'yo, Pula. Lagi mo akong napapabilib sa mga ginagawa mo." Pamumuri ko sakaniya.

Hindi niya ako sinagot at tumayo lamang ito mula sa kinauupuan niya. May inilabas siya na papel mula sa envelope at inabot ito sa akin.

"Sa airport natin siya kikitain. 'Yan ang address ng bahay na tutulyan niyong dalawa para alam mo lang."

"Kaming dalawa lang?" Excited na tanong ko.

"Tayong tatlo." Pagtatama niya atsaka niya ako iniwan. He went out of the room at humiga na lamang ako sa kama.

Ryoga and Red were like bestfriends before. Hindi ko maintindihan kung saang parte niya kinukuha ang galit niya sakaniya ngayon kaya nagbago na rin talaga ang relasyon nila. Then he always helps me when I am around which he mustn't do. Dapat nakakulong lamang ako pero lagi niya akong hinahayaan sa mga bagay na gusto kong gawin. He lets me go out and go with Arah. Pinapapunta niya pa nga si Arah rito sa California minsan para lang magkasama kami. Kaya gustong gusto ko siya e. Ang bait niya.  

Binasa ko ang ticket na binigay niya sa akin. I read the name written there while smiling.


Ryoga Yoshikawa Sibal

So gagamitin ko ngayon ang tunay na pangalan ko pauwi? Hindi ko ginagamit ang pangalan na 'to kapag bumabalik ako ng Pilipinas habang alam nilang nandirito ako at ako si Yoshikawa. Ang alam ng pamilya ni Ryoga ay tuwing nandirito ako ay nakakulong lamang ako habang kasama si Red. Pero ang totoo niyan, I was living the best life. Kahit anong gawin ko ay okay lang sakaniya. Napakabait na kuya niya talaga. Kaya minsan napapaisip ako kung bakit lagi silang nag aaway ni Ryoga. E kami nga, magkasundong magkasundo. Obob kasi 'tong si Ryoga e. Masama pa ang ugali.

Tumayo na lamang ako at nag ayos ng mga gamit. Inimpake ko ang mga importanteng bagay sa bagahe ko. Hindi maalis sa mga labi ko ang ngiti habang iniisip ang plano na sinabi sa akin kanina ni Red.

"I can't wait to have my revenge, Reginy." Bulong ko.

Hindi ako makaganti sakaniya at ni hindi ko magawang masaktan ang babaeng 'yon. Tanda ko pa na tinangka ko siyang saksakin noong magkasama sila ni Ryoga sa San Narciso pero nauwi lang talaga sa wala ang lahat.

His Story To Tell (R-18)Where stories live. Discover now