HSTT - 87

4.8K 246 260
                                    

Nang makarating kami sa bahay after dinner ay muli kong kinausap si Ivan. Gusto kong siguraduhin na hindi niya na papatulan ang mga batang nang aaway sakaniya sa school. Bukas na bukas din ay tatawagan ko ang home room teacher nila para kausapin. I don't want my kid to get bullied. He's been through a lot. Ang kakapal lang talaga ng mga mukha ng mga 'yon. Sana lang talaga huwag akong umabot sa puntong baka makalimutan kong nanay na ako at ako mismo ang papatol sakanila.


"Are you done with your homeworks?" I asked him when I entered the room.

"Yes po. I'm just reading this book."

I looked at Cole and he is already peacefully sleeping in our bed. Lumabas muna ako ng kwarto namin at nagpunta ng living room. I sat on the couch and dialled Ritsumi's number. Nagring ito agad at hinintay ko siyang sumagot.




"Hello." Sagot niya sa kabilang linya. "Bakit?"

"May gusto lang sana akong pag usapan natin."

"What is it?"

"Why didn't you tell me that Ivan was being bullied in his school?" I heard her taking a deep breathe. "Sinabi ng teacher niya na nakausap ka raw niya at sinabi mong ikaw ang magsasabi sa akin. You didn't tell anything to me."

"Did he get bullied again?" Galit na tanong niya. "Who are those kids? Namumukhaan mo ba? Tell me so that I can do something about it."

"Ritsumi." Bawal ko sakaniya. May balak pa yata siyang gantihan ang mga batang 'yon.

"What? Those kids in his school don't know who are they messing up with!"

"Huwag mo nang idaan sa ganitong paraan. Look, I am talking to you now dahil gusto kong matuldukan kung anong nangyayari sakaniya sa school. Ayaw kong gumawa ka pa ng violent reaction." Page-explain ko sakaniya.

"It was Ivan who asked me not to tell you. Ayaw niyang ipasabi sa'yo."

"B-bakit?"

"Because he doesn't want you to get worried. Sabi niya you are already tired of taking care of them so he doesn't want to sum some problems. Ako ang pinatawag niya sa school non noong nakipag away siya at hindi na ikaw."

I felt my heart aches for pain and I couldn't help but to have teary eyes. Hindi ako agad nakasagot sakaniya habang inaabsorb ang nalaman ko. He was having a hard time at school pero tuwing umuuwi siya rito ang saya saya niya parati.

"I'll talk to his teacher tomorrow. Sasabihan ko na kapag may nang away ulit kay Ivan ay tawagan ako."

"You don't have to do that. Ivan can save himself. Let him fight with those stupid kids."

"Edi lumaking basagulero 'yung anak ko?!"

"Doon din naman ang punta non." She said and laughed.

Mas mabuti pa yatang hindi ko na kinausap ang isang 'to. Kunsintidor din 'to e.

"Sige na. Bye na."

"But really, Rej. Just let him. Ivan knows what he is doing. Kung hindi niya papansinin ang mga nang aaway sakaniya, mas lalo lamang siyang bubullyhin ng mga 'yon. Let him fight as long as tama ang pinaglalaban niya."

"Ewan ko sa'yo." I said and ended the call.

Napahilot ako sa sentido ko dahil parang mas lalo pa yata akong nastress. I want Ivan to be out of troubles. At kung papatulan niya ang mga nang aasar sakaniya, edi mas lalo siyang mapapahamak? Gosh! This is so stressful.





His Story To Tell (R-18)Where stories live. Discover now