HSTT - 62

4.8K 209 141
                                    

Maaga akong nagising para magluto ng almusal. I want to prepare breakfast for my son dahil matagal tagal na rin since the last time I cooked for him. Malamang sa malamang ay miss na miss na nito ang luto ko.

I couldn't take off the smile on my face. I feel excited. Ngayon ko lang naramdaman ito simula nang ikulong ako rito ni Ryoga. Galit pa rin ako sakaniya sa ginawa niyang pagkukulong sa akin but I should set it aside. My son is here so I need to act like there's nothing wrong going inside this big mansion. I should show him that everything is okay. I have to pretend that everything is fine.

I cooked all of his favorite food. Nang matapos ako sa pagluluto ay hinapag ko lahat ang mga pagkain sa lamesa. I put some cute decorations on it dahil isa 'yun sa nagpapagana sakaniya kumain. Food with garnishes.

When I'm done, I decided to go up stairs. Hindi pa man ako nakakarating nang makarinig ako ng malakas na iyak. Is he crying?! Mabilis akong tumakbo at dali dali kong binuksan ang pinto ng kwarto only to see Ivan crying on Ryoga's shoulder.

Iyak siya ng iyak habang pinapatahan siya nito. Buht buhat niya ito at napatulala na lamang ako sakanilang dalawa.


"Ssshhh. Why are you crying? Stop, please. I'm here." Pag aalo sakaniya ni Ryoga.

"Mommy left me again! She's not here!" Iyak ni Ivan and I feel sad hearing those words from him.

He may be traumatized for what I did to him. For leaving him one year ago. Siguro iniisip niya na iniwan ko nanaman siya dahil wala ako sa tabi niya. Lumingon sa gawi ko si Ryoga at lumapit ako sakanila.


"Ivan, baby." Tawag ko sakaniya.

"Mommy!" He shouted and he extended his arms to me.

Inabot ko ang mga kamay niya at binuhat siya. He hugged me so tight at binaon niya ang mukha niya sa leeg ko. He's still crying though. Hinahabol niya ang hininga niya dahil sa pag iyak niya.

"I'm here. Ssshh na anak. Nag luto lang si Mommy sa baba e."

"I-I thought y-you were gone again." Sinisinok pa na sabi nito. I felt pain because of it. Sobrang sakit ng iyak niya.

"'Di ba sabi naman ni Mommy sa'yo hindi na ako aalis? I promised, right?"

"But some promises are meant to be broken. What if you won't do your promise again just like before?" He asked.

Dumoble ang sakit sa puso ko. This kid. Matanong talaga siyang bata but I can't do anything because he's learning. I just need to give a nice answer for him to understand easily.

"Ivan, we don't do some promises because sometimes there are better things to do more than those." Sagot ni Ryoga at nabaling ang tingin ko sakaniya.

He is just looking at me seriously and I feel like his answer is based on his own experience or not? Kasi 'yung mga pangako niya noon sa akin hindi niya naman ginawa.

He promised to protect me but he was the one who destroyed me. So destroying me is better than protecting me?



"Tahan na, okay? Huwag ka ng umiyak."

"I won't na." He said at pinunasan nito ang mukha niya. Tinulungan ko siya sa pagpunas at nginitian siya.

"Gutom ka na ba?"

"O-opo. Bumalik na po 'yung gutom ko. Nawala po kasi kanina nong makita kitang wala ka." I smiled to his answer.

"Let's eat then. Mommy cooked breakfast for my baby."


Lumabas na lang kami ng kwarto at dumiretso ng dining. Dalawang plato ang hinanda ko ron para sa aming dalawa lang. Dapat tatlo 'to e. For Manang Aryan sana but I don't know where is she. Balak ko pa naman sanang magpatulong sakaniya magluto but I couldn't find her.


His Story To Tell (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon