HSTT - 37

5.8K 189 36
                                    

A/n: Hello loveys! Nag upload nga pala ako ng short video teaser ng HSTT sa YT channel ko. Andyan siya sa media sa taas. Click niyo lang para mapanood niyo. The video is made by Charlaine Gonzales (my reader). Subscribe na rin kayo sa channel ko! Thankyou.

🖤🖤🖤

Kuya Ryoga and I stayed in the room for the whole day. Hindi na kami lumabas at nag kulong lamang kaming dalawa rito. Lumalabas lamang siya kapag kukuha siya ng pagkain namin na pinadeliver niya.

"Namiss talaga kita." Bulong niya sa akin habang nakahiga kaming dalawa sa kama. We're having a movie marathon.

"Nakakarami ka na ha." Bulong ko sakaniya nang halikan niya ang leeg ko.

"I can't get enough of you."

"Manyak ka lang kamo." Sinabunutan ko ang buhok niya nang hawakan niya ang dibdib ko.

"Aray ko!" He shouted while laughing.

"Tumigil ka ha. Nanonood ako. Hindi ko na maintindihan 'tong pinapanood ko."

"Okay."

Yumakap siya sa akin at ginawa niyang unan ang dibdib ko. I play with his hair while we are both watching now.

"Kailan uwi ni Raine?" He asked.

"Monday daw. Uuwi ako bukas."

"Bakit?"

"Pinapauwi ako ni Kuya Luke. Sama ka?"

"Hindi. Next week pa ako magpapakita sakanila. Ang alam nila nasa Cali pa 'ko. 'Pag nakauwi na Kuya mo saka ako magpapakita sakanila."

"Okay."


Tapos na kaya 'yung gown ni Ritsumi? Hindi na ako tumulong sa pananahi ng gown niya dahil may kinuha na palang tao si Kuya Ryoga para ron. Ginawa lang pala nilang excuse 'yon para mag kita at mag kasama kaming dalawa ngayon.

Suddenly, my phone started to ring. Humiwalay siya sa akin para makuha ko ang cellphone ko.

"Si Kuya Luke." I said when I saw the caller. "Huwag kang maingay ha?" Bilin ko sakaniya dahil baka marinig ang boses niya.

"Ba't naman ako mag iingay? Kinakain mo ba ako?" Inirapan ko siya dahil ang bastos nanaman niya. I cleared my throat and answered the call.


"Kuya?"

"Tapos ka na ba?"

"Saan?" Tanong ko.

"Sa ginagawa niyong gown ni Ritsumi." Napangiwi ako nang bigla kong maalala. Oo nga pala! Alam nila ginagawa namin ang gown.

"Ah, h-hindi pa Kuya. Bakit po?"

"Umuwi ka na. Uuwi ang Kuya mo ngayon. Pinapauwi ka na niya."

"Ah, sige Kuya. Ligo lang ako."

"Sunduin kita riyan sa building tapos deretso tayo ng airport."

"Sige."

Namatay ang tawag at bigla akong napa isip. Ba't kaya napaaga si Kuya? Sabado palang ngayon ah? Sabi sa Monday pa ang uwi niya?

"Akala ko ba sa Monday uuwi si Raine?"

"Akala ko nga rin e. Maliligo na 'ko at susunduin daw ako ni Kuya Luke tapos dideretso kami ng airport."

"Okay. Tara ligo na tayo!"

"What?"

Tumayo siya sa kinahihigaan niya at hinila niya ang kamay ko papuntang CR. Is he serious? We'll take shower together? Oh, god! Sana ligo lang 'to.



His Story To Tell (R-18)Where stories live. Discover now