HSTT - 26

6.1K 198 28
                                    

🖤🖤🖤


I had a wonderful weekend and thanks to Kuya Ryoga. Hindi mawala sa isip ko 'yung sinabi niyang gigirlfriend-in niya ako. Ano kayang binabalak niya? Paano niya kaya ako jojowain? Paano niya ako liligawan?

When will I say yes to him? God, excited ba ako? Hindi dapat ako ma excite dahil baka isipin niyang atat akong maging jowa niya! No, lowkey lang dapat ako.



"Huy, bes! Lapit na birthday mo ah? Anong balak mo? Debut mo pa man din 'yun." Tanong sa akin ni Leinah. Nandirito kami sa Mall at nag iikot. Tapos na kasi ang klase namin at naisipan naming mag punta rito.

"Hindi ko pa alam e. Tatanungin ko muna siguro si Kuya Raine tungkol don."

Usually kasi ay sa bahay lamang kami. Siguro sa bahay nalang ulit? Baka magpa handa na lamang ako ng simple tapos aayain ko sila.

Ayaw ko naman kasing mag aya ng marami. Gusto ko kami kami lang. Siguro si Ritsumi lang ang idadagdag ko. Kahit pa na debut ko 'yun ay ayaw ko naman siyang pabonggahin. Basta escort ko pa rin si Kuya Ryoga. 'Yun lang.!

Simple pero may pa escort ano?


"Ano pala gusto mong gift?"

"Bakit? Bibilhan mo 'ko?"

"Syempre gaga. Ano pa ba? Debut mo 'to no."

"Kahit ano nalang. Ikaw na bahala. Gusto ko 'yung masusurprise ako."

"Talaga? Kahit ano basta surprising?"

"Oo."

"Sige, sige. Gusto mo palang masurprise ha. Alam ko na." Tumatawa na sabi niya.

Huwag lang sanang kalokohan ang nasa isip niya kung 'di dedenggoyin ko siya.


"Susunduin ka ba ni Tito?" I asked habang palabas na kami ng mall.

"Yep. Ikaw ba? Hatid ka na namin?"

I checked my phone to see if Kuya Ryoga messaged me. Ang sabi niya kasi ay susunduin niya ako e. 

"Susunduin ako ni Kuya."

Huminto kami sa harapan ng Mall at agad kong nakita si Tito na naka park 'di kalayuan sa amin.

"Ayun na Daddy mo." I said at inabot ko sakaniya ang paper bag na pinamili namin sa national bookstore.

"Thank you bes. See you bukas!" Yinakap niya ako at hinalikan sa pisngi.

"Bye. Una na ako!"

"Bye na!"

Tumakbo siya papunta sa kotse nila at kinawayan ko siya muli. She went inside her car at nag hintay naman ako ng sundo ko.

"Tagal naman nun."

Hindi ba dapat maaga siya at hindi niya ako pinag hihintay? Nililigawan niya ako so dapat mabilis pa siya sa alas singko! Kahit man lang sana kaplastican ay magpa good shot siya sa akin. Kaso hindi naman plastic 'yun e. Ginagawa niya talaga ang mga bagay na gusto niya at pinapakita niya ang ugali niya. Hay nako!

Pinag laruan ko ang mga kuko ko habang nag hihintay sakaniya. Sana naman nandirito na siya!


I looked up nang may bumusina na kotse sa harapan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang bumukas ang pinto ng kotse at makitang si Kuya Luke ang driver! Anong ginagawa niya rito?

"Hindi ka pa ba sasakay?" Pagsasalita niya ulit dahil natameme ako.

"S-sorry Kuya."

Pumasok na lamang ako sa kotse niya at inayos ko ang seat belt. He started to drive his car at napa tingin ako sakaniya. Naguguluhan ako. Wala ba si Kuya Ryoga kaya siya ang sumundo sa akin?


His Story To Tell (R-18)Where stories live. Discover now