HSTT - 76

4.1K 207 113
                                    

I helped Luke about his problems with his sister. I did everything just to show him and prove them that it was Dred who is the problem. He's having a hint already but I think he's still holding on with their friendship. 'Yon ang pumipigil sakaniya.

Kinausap ko na rin nga si Lucia tungkol don sa pagpapanggap ng pinakamamahal niyang kaibigan, pero may 'pagkaslow ang isang 'yon. Hindi pa magets. Nagagawa nga naman ng tiwala, ano? It keeps you blinded.


"Thank you man. Balitaan kita kapag may nangyari ulit."

"Ge lang. Si Lancie puntahan mo rin. Tignan tignan mo 'yon." I told him. Malakas ang kutob ko na nabuntis niya na 'yon. She's pregnant and I am really really sure of that.

"I will. E ikaw? Ano palang balita sa inyo ni Reginy?" He asked and I just looked away when I suddenly felt the pain in my heart.

"Noong umalis ako, tulog pa siya. Ang sabi ni Ritsumi alam niya na ang lahat. Red made her remember everything." I said.

"Talaga? Hindi ba't sinubukan mo ring ipaalala sakaniya ang lahat pero nabigo ka?" I sighed deeply.

Ilang beses kong sinubukan na ipaalala sakaniya ang mga bagay patungkol sa amin noon pero nabigo ako. Walang nangyari. Hindi tulad noon noong nagtanan kami, isang sabi ko lang sakaniya ay naalala niya na ang lahat.

"Oo. I even took drugs for her to be triggered pero hindi e. Ayaw talaga."

"Bakit ganon? Bakit hindi parehas noong unang beses?"

"Ewan ko. Basta ang mahalaga naalala niya na ako ngayon. Kailangan ko nalang siyang kausapin."

Inakbayan niya ako at tinapik tapik nito ang balikat ko. This is his way of comforting me. Sinandal ko nalamang ang ulo ko sa balikat niya at hinayaan siya sa kung anong ginagawa sa balikat ko.

"I'm sorry man if nakikisabay pa ako sa gulo na meron ka."

"Gago. Sinasabi mo?" Tanong ko at sinuntok ko ang hita niya.

"Nakikisabay ako sa mga problemang dapat mong ayusin. You shouldn't be here with me heping me, but look at you. You're still one call away even if you have your own issues to settle."

Nagdadrama ba siya? This guy.

"Ganon kita kamahal baby." Malandi na sabi ko sakaniya at hinawakan ko ang hita niya.

"Tangina mong bakla ka." He said and he just laughed.

"You're a family to me, Luke. I'll do everything for you and for Raine. Always remember that." I said.

Madalas talaga pakiramdam ko mas sila pa ang pamilya ko kaysa sa mga taong totoong miyembro ng pamilya ko. Just look what my Dad did to me. Is that what family does? Fucking pieces of shits.

Atsaka alam ko ring once ako ang humingi ng tulong sakanila, they won't say no. They are also one call away. They will also stay beside my side and they won't leave me.

"I hope we'll solve all these problems that we have in time." He whispered.

"I hope too man."

"Anong ginagawa niyo?" 

Umayos ako ng upo nang marinig ko ang boses ni Raine. I looked at him and he sat across the couch.

"Nagha heart to heart talk kami. Bakit?"

"Inom tayo?" Aya niya at napakunot ang noo ko sakaniya. Don't tell me he has a problem too?

"May problema ka ba?" Tanong ni Luke sakaniya. We're thinking the same.

Bigla siyang sumandal sa sofa at nagulat kami ni Luke nang bigla na lamang itong umiyak. Hindi ko napigilang matawa because man, he's legit crying! What the fuck?

His Story To Tell (R-18)Where stories live. Discover now