HSTT - 18

6.6K 179 29
                                    

🖤🖤🖤

Pumasok ako ng school ngayon at hinatid ako ni Kuya Luke. Kilig na kilig ako kasi naman, hinatid niya pa talaga ako just to make sure I arrived safe in my school. Nakaka tuwa lang.

Pero lahat ng tuwa na nararamdaman ko ay nawala nang iwan niya na ako at mag lakad papasok ng school. Most of the students are staring at me at nag bubulungan. I know why and it's because of what Kuya Ryoga said when he came here. Hindi ko maiwasang mabadtrip dahil kasalanan lahat 'to ni Daliah na likas na tsimosa!

Hindi ko pinansin lahat ng bulungan nila at dumiretso ako sa may room ko. Hindi rin nakatakas sa akin ang mga tinginan at bulungan ng mga kaklase ko. The fuck? Even them?

Sa mundo talaga na 'to, hindi lahat mapagkaka tiwalaan. They can easily judge you without knowing the truth first.

I sat on my chair at binuklat ko na lamang ang libro ko at nag basa. Bahala sila sa buhay nila. Hindi naman ako mamamatay sa mga pa tsismis tsimis nilang yan. Maiinis ako but it's not the end of the world.

"Rej, may nag hahanap sa'yo sa labas." I closed my book at nag taas ng tingin sa kaklase ko dahil sa sinabi niya.

"Who?"

"Axel."

"Weh?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Why would he look for me? Anong kailangan niya? Kailangan niya ba ako? Char! Harot.

"Oo nga. Actually kanina ka niya pa hinahanap. Labas ka na."

"Sige. Salamat."

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at lumabas ng room. I immediately saw Axel standing at naka sandal pa ito sa pader. Hanep! Ang gwapo niya talaga.

"Hi." Naka ngiting sabi niya nang makita niya ako. I awkwardly smile dahil hindi naman kami close. Taga ibang section siya and him going here in my classroom is totally new to me!

"H-hello." Pabebe ko na bati pabalik sakaniya. "Hinahanap mo raw ako?" I asked and he smiled again.

Shet naman na malupet! Ba't ganiyan siya ngumiti? It feels like he's bringing me in heaven.

Ba'yan! Ang harot ko talaga! 

"Ah yes. I just want to apologize for what happened. About your boyfriend?"

Pumunta ba siya rito mismo para lang sabihin 'yan? Wow ha. Ayaw ko mag assume but does he like me?

Wow ulit, Rej! Ang kapal ng mukha mo.

"B-boyfriend? No. He is not my boyfriend and it's okay."

Hindi ko naman boyfriend si Kuya Ryoga 'di ba? Pero ano ko nga ba siya kung may namamagitan naman talaga sa aming dalawa? Nalilito ako! Wala kaming label.

Momol buddy?

Landian buddy?

Bestfriend ni Kuya?

Taga alaga ko?

Shet! What?

"Really? So what's your relationship with him then?"

"I-I don't know? I mean, he is my Kuya's bestfriend. So ano, ahm parang ano.." ano ba kasi? "Parang kuya ko na rin siya ganon. Hehe."

Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa sagot na binigay ko. Napaka walang kwenta!

"Sabi ko na nga ba. I shouldn't have trusted Daliah. I'm really sorry, Rej."

"Ah it's okay. You don't have to worry about it."

His Story To Tell (R-18)Where stories live. Discover now