Special Chapter

70.5K 1.9K 810
                                    

Happy new year, Daris! As a gift ay ito ang Special Chapter since matagal naman na nag-1M reads ang LITWL. Sana ay makasama ko pa kayo this year dahil marami pang story na dapat abangan sa LGS at sa mga susunod ko pang mga series. Thank you! 

__

[Warning: R-18]

"Babe, pinakasalan mo ba ako para gawing utusan?" nakapaymang na sabi sa akin ng baby ko.

I chuckled. "Ito naman ang OA, pinapakuha ko lang 'yung tumbler ko sa gilid mo."

"Hindi, napapansin ko kasi na palagi na lang ako 'yung nagluluto tapos pag-aalaga na nga lang kay Syri ay hindi mo pa magawa!" pinandilatan niya ako pero she still sound just like a baby. Cute ampotek.

"Aysus, nagpapalambing ang asawa ko. Lika rito..." bumangon ako mula pagkakahiga at umupo sa gilid ng kama habang nakabukas ang mga braso.

Inirapan niya ako pero nangingiti na. "Mamaya na! Maliligo pa ako!"

Tumango ako. "Nice, masarap ang tulog ngayong gabi dahil bukas ay maghahanda na tayo para sa bagong taon. Maagang pa-new year!"

Humalakhak siya at dali-daling kumuha ng tuwalya para maligo. Since no'ng kinasal kami ay sobrang lambing niya sa akin. 'Yung tipong palagi niyang hinahanap 'yung presensya ko pero dahil abala ako sa mga anak namin ay mas nauuna ko sila kaysa sa kaniya.

Pero ngayong teenager na rin si Seig ay siya na ang tumutulong sa mga kapatid niya. Mas nagiging kamukha ko na si Seig ngayong mas nagma-matured siya, sana ay hindi maging babaero ang anak ko.

"Papa!" muntik na akong mapatalon nang narinig ko ang pagkatok ni Syri.

"Bakit?" bungad ko pagbukas ko ng pintuan.

"Si Kuya Seig po nanonood ng bold!" aniya kaya humalakhak ako.

Pucha! Hinila ako ni Syri papunta sa kwarto ni Seig at nadatnan na namin 'yon na nakabukas. Nakita ko si Seig na nakahiga sa kama niya na nagtataka sa sinabi ni Syri.

"Anong pinapanood mong bold, ha? Ikaw, ha? Send naman..." tinaasan ko siya ng kilay para hindi naman niya masamain pare-parehas lang naman kaming lalaki.

"Hindi ako nanonood ng bold! Siraulo ka talaga, Syri. Gusto mo lang pumasok sa kwarto ko para makagamit ka ng computer ko e..." si Seig na nakabangon na ngayon.

Nilingon ko si Syri na nakaupo na sa harapan ng desktop. Ang hirap pag dalawang lalaki ang anak. Napakakulit! Mabuti pa ang mga babae ko na natutulog na ngayon sa kwarto nila.

"Seig, patulugin mo na 'yan si Syri mamayang mga 11, ah? Iche-check ko lang sina Vera at Rave..." sabi ko kaya tumango naman ang panganay ko.

"Papa, bakit kasi ayaw niyo pa po bilhan si Syri ng desktop?" iritadong sabi ni Seig.

I chuckled. "Itago mo na lang 'yung mga bold mo para hindi niya makita. Pahiramin mo muna siya, atsaka ko na siya bibilhan kapag marunong na talaga siya at kailangan na niya."

Umiling si Seig na para bang naiinis na siya. Ang haba ng pasensya ng anak ko, 'yon ang gusto ko sa kaniya. Kahit ilang beses na siyang naiinis or nao-offend ay marunong pa rin siyang mag-control.

Dahan-dahan kong sinilip ang kwarto ng kambal ko at mahimbing naman silang natutulog. Bago ako makabalik sa kwarto ay nadaanan ko ulit ang kwarto ni Seig na ngayon ay nakasarado na.

Pagbalik ko sa kwarto namin ni Sydney ay kakalabas lang niya ng CR. Napangisi agad ako nang nakita kong nakasuot siya ng strap silk night dress. I can see her slim smooth arm down to her soft legs fresh from the bath.

Lost in the Wild Lands (La Grandeza Series #3)Where stories live. Discover now