Kabanata 30

65.6K 2.1K 836
                                    




Awkward

"Bakit kayo nagdududa sa akin?" Leyton asked... malubhang nagtataka habang nakakunot ang noo.

Naglakad ako papalapit sa kanila suot ang seryoso kong mukha habang sina Sally at Desiry ay nakatingin din kay Leyton.

"Answer the questions," biglang singit ni Sally.

"I am here kasi wala akong matuluyan and nakapag-usap naman na kami ni Sydney tungkol sa mayroon sa amin dati. We've cleared things out and wala akong balak kay Sydney or kay Desiry... bawal na ba akong magkagusto sa iba at gumawa ng move if gusto ko 'yung tao?" pagde-depensa niya sa sarili niya.

Mahinang natawa si Sally. "Huwag si Desiry, please. I know you're lying and of course sino bang umaamin sa sariling pagkakamali kung hindi pa naman nahuhuli? Hindi naman kami tanga Leyton para maniwala sa sinabi mo..." mataray na sabi ni Sally.

"Atsaka Syd... bakit ba siya andito?" tanong ni Desiry. "I mean bakit hinahayaan mo siyang manatili rito?"

I sighed. "I don't know either. I just don't see him as a stranger at ayaw ko naman maging bitter sa amin. Pinahalagahan ko 'yung mayroon kami dati and pinatuloy ko lang siya since he needs help. Pero now that you are acting strange, hindi ko na alam kung tama ba ang ginawa kong desisyon..." sabi ko.

Tumahimik silang lahat sa sinabi ko. Hindi ko alam, siguro kaya ko siya pinatuloy kasi may inaalam ako dati kung anong koneksyon nila ni Amara plus I want to help him kahit sa simpleng paraan. Pero now that he's targeting my friend, hindi ako makakapampante. Desiry ang Sally is all I have.

"Pasalamat ka nga tinutulungan ka ni Sydney, kaya kung ako sa'yo linisin mo 'yang intensyon mo. Dahil kapag si Sydney ay sinubukan mong lokohin makakatikim ka ng suntok o sampal... you don't mess the bad bitch huh?" pagmamayabang ni Sally.

"I am not doing anything... malinis ang intensyon ko kay Sydney. I've cleared my feelings for her at na-realize ko na kaibigan na lang ang pwede sa amin. And okay, I am sorry if nagustuhan ko ang kaibigan niyo. I am sorry that I kissed her last night and I am being too aggressive..." he clenched his jaw at binalingan ang pagkain niya.

Tumutulong naman siya sa gawaing bahay and siya lagi ang nagluluto or naglalaba. Napupunan niya rin ang pagiging lonely ko kapag uwi ko sa bahay. He's also helping me in some ways kaya ang sama naman ng ugali ko kung mamasamain ko yung iba niyang ginagawa but... I trust my instinct now.

Mas lumakas ang kutob kong may balak 'tong si Leyton and hindi ko lang alam kung ano 'yon. Hindi ko alam kung konektado pa rin ba si Amara rito o hindi na. Whatever it is he's still doing those things against me at malalaman ko rin 'yan.

Walang sikretong hindi nabubunyag.

Sa buong agahan ay kaming tatlo lang ang nag-uusap nina Sally at nang matapos si Leyton ay kaagad siyang umalis sa hapag. Dumiretso siya sa may living room at nanood na lang ng TV.

Nagkatinginan kaming tatlo nang gawin 'yon ni Leyton. Magkakaibigan nga kami dahil pare-parehas kami ng iniisip.

"He's planning something..." bulong ni Sally.

"I know..." sabi ko at sumimsim sa fresh milk na nakasalin sa isang baso.

Desiry chuckled. "Malay niyo naman totoo 'yung sinabi niya pero may part pa rin sa akin na he's really planning something. Hirap kasing magtiwala lalo na kapag sa mga taong desperado..." ngumuso siya.

Tumango ako. I can agree with that. Amara likes Rius kaya lahat ginagawa niya para maibalik si Rius sa kaniya. Although sa part ko naman, kahit sinabi na ni Leyton na we are just friends at tanggap na niya... I can't be sure kung ano ba talagang nararamdaman niya. Maybe he's also doing something katulad ng ginagawa ni Amara para makuha ako pabalik.

Lost in the Wild Lands (La Grandeza Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon