Special Chapter 2

30.6K 884 149
                                    

"Ikaw na muna bahala, Maxine, ha?" Hinawakan ko sa balikat ang kapatid ko.

Paalis kasi kami ni Sydney papuntang Puerto Galera. Since nagkaanak kasi kami agad ay hindi namin na-enjoy nang mas maayos 'yung pagiging mag-asawa namin.

Although masaya naman ako dahil asawa ko na siya at mayroon na kaming Seig, Syri, at 'yung kambal. Hindi lang talaga kami nagkaroon nang mas maayos na celebration kumbaga.

"Sige, Kuya. Katulong ko naman si Seig sa pag-aalaga kina Rave at Vera. Enjoy niyo na lang at sana 'wag niyo na munang sundan ang kambal." Humalakhak siya na may halong pagbibigay banta.

Natawa ang asawa ko kaya nilingon ko siya at saka hinawakan sa baywang. "Yan ang hindi natin sigurado... ito kasing bhie ko, e. Palagi akong hinaharot kapag gabi."

Ngumiwi siya sa akin at tinapon ang pagkakahawak ko sa kaniyang baywang. Hindi ko talaga maiwasang hindi matawa nang sobra sa loob ko kapag inaasar ko si Sydney.

Mula noon, hanggang ngayon... siya pa rin ang paborito kong asarin. Ang ganda-ganda niya lalo kapag nafu-fluttered siya sa sinasabi ko.

"TMI, Kuya! At saka, pagpahingahin mo naman si Ate Sydney. Apat na bata na 'yang inilabas niya. Ikaw na lang kaya magbuntis at manganak." Tinaasan ako ng kilay ni Maxine na may halong pandidiri.

"Tama! Ang hirap-hirap magbuntis. Tapos hindi mo man lang maalagaan nang maayos 'yung kambal!" Hinampas ako ni Sydney sa braso ko.

"Bakit parang kasalanan ko naman?"

"Kasalanan mo talaga, Kuya! Ako rin nag-aalaga sa mga anak mo! Hindi mo man lang ako pinapasahod."

"Awit naman. O siya sige, hindi na kami aalis ni Sydney. Hindi na ako magtatrabaho, magiging babysitter na lang ako..." Umakto akong nasasaktan sa sinabi nila.

"Mukha mo! Tara na nga! Puro ka na naman kalokohan," singhal sa akin ni Sydney.

"Ako pa bigla. Grabe talaga kayong mga babae. Para kayong pinaglihi sa sama ng loob." Umiling-iling ako.

Humalakhak silang dalawa ni Maxine. "Ikaw ba naman may kapatid na katulad mo, paanong hindi sasama loob ko?"

Mas natawa si Sydney kaya nadamay si Maxine at mas nilakasan din ang paghalakhak.

Pumamaywang ako at tumango-tango habang pinapanood silang dalawang humahalakhak.

"Ako lang gwapo sa Del Monfrio, Maxine. Pasalamat ka kapatid mo ko. 'Yan si Daddy, mas gwapo ako dyan. Ako na lang nagbibigay kagwapuhan sa atin. Sa kagandahan, si Mommy lahat nagbibigay. Ikaw, wala ka namang silbe sa pamilya natin kung 'di magkalat ng kuto no'ng bata ka."

"Ate Sydney, oh! Siya raw pinakagwapo sa Del Monfrio? Si Seig at Syri kaya ang pinakagwapo! Feelingero mo." Kumapit pa siya sa asawa ko para maghanap ng kakampi.

"Hoy, Xarius Zedion. Mas gwapo ang mga anak ko sa 'yo dahil may lahi ko." Tinaasan niya ako ng kilay.

Hindi ako makapagsalita dahil si Sydney na 'yung kumontra. "O sige na, ako na pala 'yung pangit sa angkan ko. Dapat hindi na ako nabuhay."

Ngumiwi silang dalawa sa akin at umiling-iling.

Suminghap si Maxine. "Ingat kayo, Ate Syd. May kasama ka pa namang PWD. Alagaan mo 'yang asawa mo dahil alam mo naman... may saltik 'yan."

"True. Hays, iniisip ko tuloy kung tama bang pinakasalan ko 'yan. Ang tamad-tamad, iresponsable, at inuuna ang pagtulog kaysa mag-alaga ng anak niya." Umiling-iling pa si Sydney.

Humalukipkip ako at binasa ang labi ko. Nasasaktan na ako bigla sa mga sinasabi ng asawa ko, ah? Parang hindi na ata 'to biro.

Bahagyang sumeryoso ang expression ko habang nakatitig kay Sydney. Kaya nang napansin niya 'yon ay nagpaalam na siya kay Maxine para dumeretso na kami sa kotse.

Nagpunta muna ako sa passenger seat para ilagay ro'n ang mga bag namin. Narinig ko na lang ang paghalakhak ni Sydney at hinampas ang pwet ko.

Sinarado ko na ang pinto at hinarap ang asawa kong natatawa. "Galit ang asawa ko?" Niyakap niya ako habang nakatingala sa akin.

Pinanatili ko ang seryoso kong mukha para mas lambingin niya pa ako. Kahit hindi naman ako napikon o nagalit sa mga sinabi niya.

"Hindi mo na ako love? Hihiwalayan mo na ako dahil sa mga sinabi ko?" Nagpapa-cute pa siya habang nakatingin sa akin.

Nagtiim-bagang ako para mapigilan ang pagngiti ko. Paanong hindi ako mate-tempt kung ganito palagi 'yung haharap sa akin sa kwarto. Ang ganda, ang cute pa. Paano ako nito?

"Tara na. Nagtatampo ako kaya suyuin mo ko." Marahan kong tinanggal ang pagkakayakap niya para mapanindigan ko ang kunwaring pagtatampo ako.

Hindi ko siya pinagbuksan nang pinto para amuhin niya ako lalo kapag nasa loob na kami.

Pinanood ko siyang umikot papunta sa front seat habang nakangisi. Pagkapasok niya ay nagpanggap akong ini-istart na 'yung kotse.

"Bakit ka naman kasi nagtatampo?" Hinawakan niya ang hita ko.

"Nagsisisi ka pala na pinakasalan mo ako?" Hindi ko pa rin siya tinitingnan.

Humalakhak siya. "Napaka arte mo! Gusto mo lang ata amuhin kita, e. Akala mo hindi ko alam 'yang mga ganyan mo, Xarius Del Monfrio, ha!"

"Sus... baka naman kasi napilitan ka lang ata pakasalan ako. Baka kaya mo ko pinakasalan kasi wala ka ng choice." Bahagya akong umiling-iling.

Hinampas niya ako sa braso. "Pinakasalan lang talaga kita kasi bagay 'yung apilyido mo sa akin."

"Ako rin bagay sa 'yo."

"Ayon!" Tinusok niya ang tagiliran ko. "Oo na, bagay ka na sa akin kaya 'wag kana magtampo."

Nilingon ko na siya at nakangisi siya sa akin. Habang ako ay nakasimangot lang. "Kiss mo ko kung bagay ako sa 'yo..."

She chuckled. Lumapit siya para halikan ako sa labi. It was a quick smack.

"Okay ka na?"

Umiling ako at saka lumapit sa kaniya para halikan pa siya. I kissed her thoroughly. Na para bang bawat sulok ng labi niya ay sa akin. Hinawakan ko ang kaniyang panga habang dahan-dahan inaangkin ang kaniyang labi.

Unti-unti ko na lang pinaghiwalay ang mga labi namin dahil baka kapag pinagpatuloy ko pa ay hindi na kami makaalis.

Pinagdikit ko ang mga noo namin habang pabalik-balik ang tingin sa mga mata at labi niya.

"Ganda mo..." I whispered.

She smirked. "Tara na... baka halikan pa kita diyan," she said teasingly.

Mahina akong natawa bago siya hinalikan nang mabilis. Umayos na ako ng upo habang nakangisi.

I love what we have. Para pa rin kaming mga bata kapag naglalambingan. I'm glad and forever grateful that she is my wife.

Looking back... all of my sacrifices are all worth it. I'm living my best life with her. With our two sons and two daughters.

"Love..." Nilingon ko ulit siya at saka bahagyang dumiin ang pagkakahawak sa manibela.

"Uhm? Bakit, Rius?" She raised her brows.

"Mahal kita palagi."

Lost in the Wild Lands (La Grandeza Series #3)Where stories live. Discover now