Kabanata 24

58.6K 2.1K 1.7K
                                    




Doorknob

Stardust falls as I walk on to the red carpet with my velvet evening dress. Everything goes smoothly as I pass through. Beside me is Leyton and I didn't let him touch me or anything.

I can hear the crowd clapping as I hear Amara's voice. She's on the stage representing our newest product. The two guards with their white tuxedo greeted us when we finally entered the venue.

May lumapit sa aming babae, isa siguro sa receptionist. She gave me a sweet smile kaya gano'n na lang din ang ginawa ko.

"Hello Ma'am! Sydney James Wantirano?" she asked kaya tumango ako.

"Yes, that's me..."

Iginiya niya kami sa table namin kahit ako lang ang tinanong niya. Siguro naman ay nagpa-reserve rin si Daddy ng seat para kay Leyton since alam naman niya na kasama ko si Leyton, or not?

Nang nakarating kami sa pabilog na upuan kung saan ando'n sina Mr. Juarez, Ms. Thunder at ang iba pa naming investors. Nang nakita kong isang upuan lang ang mayroon ay tiningnan ko agad si Daddy.

Binati ko silang lahat and I apologize na rin for the accident I did no'ng nakaraang launching. Hindi na rin nagtagal ang pag-uusap dahil nakikinig sila sa kaartehan ni Amara sa stage.

"You look different, Syd!" ani Daddy nang natapos namin kausapin ang mga investors.

I smiled a bit. "I always look different, Daddy..." sabi ko at nilingon si Leyton.

"Oh, wala ng seat for Leyton. You can join Amara's table since siya lang naman ang nando'n. Gusto niya kasi mag-isa lang siya. Dito ko na lang papaupuin ang Mommy mo kapag dumating na siya..." ani Daddy kaya tumango ako.

Pinuntahan namin ni Leyton ang tinuro ni Daddy na table. Everything was designed aggressively with elegance. Sumisigaw ng kapayapaan ang bawat muwebles at kung anu-anong diseniyo ang kanilang inilagay sa buong venue.

This is indeed a grand launching. Sobrang garbo at mukhang pinaghandaan talaga ni Daddy. Inakma rin nila sa tema ng aking designs ang tema ng venue kaya sa tingin ko ay magiging maganda naman ito.

Maraming paparazzi sa labas bago kami nakapasok ni Leyton. I didn't stop for a picture. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad kanina at pinabayaan silang kuhanan ako habang naglalakad.

Wala ngang tao sa table ni Amara since ando'n siya sa stage. Katulad ng ibang table ay lima ang upuan ang nakapalibot dito. Nagtabi kami ni Leyton at pinanood na namin ang kaartehan ni Amara sa stage.

"She speaks irrelevant things." I chuckled nang narinig ko ang komento ni Leyton sa pinagsasasabi ni Amara sa stage.

"Since an accident happened, nahirapan talaga kami sa pag-conduct ng panibagong designs at ako ang sobrang nahirapan..." she acted crying pero kaagad din siyang tumawa.

Baka lalabas ang model mula sa backstage para i-present ang mga bago naming designs. Posturado akong naka-upo sa upuan ko nang biglang dumating ang receptionist.

"Dito po sir. Dito po kayo pinapa-upo ni Ms. Amara." Napatingin ako sa kaniya at sa kausap niya.

Libo-libong boltahe ng kuryente ang umakyat sa sistema ko nang nagtama ang mga mata namin ni Xarius. He looks really cold with his grim expression. Napalunok ako nang nakita ko ang suot niya.

He's wearing darker maroon long sleeve polo at nakatupi 'yon hanggang sa siko niya. Nakayakap 'yon nang mabuti sa katawan niya kaya mas nahulma ang hubog ng kaniyang katawan. Nakabukas ang tatlong butones kaya naman naibabahagi sa ibang tao ang linya ng kaniyang dibdib.

It was tacked in on a black trouser and he's wearing a black belt along with pointed dark brown shoes.

His hair is kinda wet at lahat 'yon ay naka suklay papalikod pero may naiiwan na buhok banda sa kaniyang noo. Umiwas lang ako ng tingin nang tingnan niya ang receptionist.

Lost in the Wild Lands (La Grandeza Series #3)Where stories live. Discover now